top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pangalan, petsa ng kapanganakan, marital status etc. Mga dapat gawin at dokumentong kailangan para m

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 18, 2019
  • 3 min read

Dear SSS,

Magandang araw! Ma­ha­laga bang i-update ang rekord sa SSS? Bagong ka­sal ako at nais kong ilagay na beneficiary ang aking asawa. Salamat! — Ellyn ng Caga­yan de Oro City

Sagot

Ang pagkakaroon ng mali o hindi upda­ted na personal record sa SSS ay maaaring magdulot ng problema sa miyembro, lalo na kung mag-a-apply ng benefit claim dahil maaaring maantala ang pagpoproseso ng benefit claim kung may hindi tugma o discre­pancies sa rekord ng miyembro.

Kaya, hini­himok natin ang mga miyem­bro na i-update ang kanilang rekord sa SSS. Tulad sa iyong kaso, dapat mong i-update ang iyong civil status at depen­dents/benefi­ciaries.

Simple lang ang pag-a-update ng rekord sa SSS, kailangang magpunta sa pinakama­lapit na sangay ng SSS at punan ang Mem­ber Data Change Request Form o Social Se­curity E-4 Form. Maaari kang makakuha ng Social Security E-4 Form sa sangay ng SSS o i-down­load mo sa SSS website, www.sss.gov.ph sa bahagi ng SSS downloadable forms.

Para sa pag-update ng civil status, pu­nan mo ang bahagi ng “Change of Civil Status” at markahan mo ang kahon ng “Single to Mar­ried.” Upang i-update mo ang iyong depen­dents/beneficiaries, punan mo naman ang bahagi ng “Updating of Dependent/Bene­ficiary.”

Kasama ng dalawang kopya ng napu­nang Social Security E-4 Form, kailangan mong isumite sa SSS ang kopya ng iyong mar­riage contract bilang patunay na ikaw ay kasal na. Gayundin, kailangan mong magdala ng dalawang valid IDs.

Kung magdaragdag ng dependent child o anak, ang kailangang ipresenta ng miyembro ay ang birth certificate o baptismal certificate ng bata.

Para sa simpleng pagtatama ng pangalan at petsa ng kapanganakan, kailangang mag­sumite ng birth certificate na authenticated ng Philippine Statistics Authority (PSA) o pasaporte.

Kung wala ang mga nabanggit na doku­mento, maaaring ipresenta ang Certificate of Non-Availability of Birth Records na mula sa City/Municipal Civil Registrar o ng Phi­lippine Statistics Authority kasama ang da­lawang valid IDs o dokumento kung saan nakalimbag ang tamang pangalan at petsa ng kapanganakan. Ang ilan sa mga tinatanggap na ID cards ay kinabibilangan ng driver’s license, GSIS ID Card, Postal ID Card, PRC Card, Senior Citizen Card, Voter’s ID at TIN Card. Ang tinatanggap na dokumento ay kinabibilangan ng Alien Certificate Regis­tration, Baptismal Certificate, Court Order hinggil sa pagpapalit ng pangalan at petsa ng kapanganakan, Marriage Certificate, NBI Clearance, Police Clearance at Seaman’s Book. Para sa kumpletong talaan ng ID cards at dokumentong tinatanggap ng SSS, maaaring sangguniin ang likurang bahagi ng Social Security E-4 Form.

Kung lubhang magkaiba ang ginagamit na pangalan sa tamang pangalan, dapat mag­sumite ng Joint Affidavit ng dalawang taong may personal na kaalaman na ang dalawang magkaibang pangalan ay iisang tao lamang.

Kung ang pagbabago naman ng panga­lan ay bunga ng pagpapalit ng citizenship, dapat isumite ang Certificate of Naturali­zation na mula sa Philippine Department of Foreign Affairs (DFA) o Identification Cer­ti­ficate mula sa Philippine Bureau of Immig­ration o anumang ID o dokumento na mula sa gobyerno ng ibang bansa tulad ng pasa­porte o driver’s license.

Nawa’y nasagot namin ang inyong kata­nungan.

◘◘◘

Nais nating ipaalala sa mga employer ka­sama na rito ang mga amo ng mga kasamba­hay o household employer, na ang Contri­butions Condonation Penalty Program ay bukas hanggang ika-6 ng Setyembre 2019 lamang. Sa ilalim ng programang ito, bini­bigyan ng pagkakataon ang mga delingku­wenteng employer na bayaran ang mga hin­di nabayarang kontribusyon ng kanilang mga empleyado nang walang multa.

Samantala, nanatiling bukas ang SSS Pension Loan Program para sa mga retiree pensioner upang matugunan ang pananda­liang pangangailangang pampinansiyal. Ina­anyayahan natin ang mga pensiyunado na nais mag-avail ng Pension Loan Program, na magsadya sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS sa kanilang lugar.

Para sa inyong mga katanungan at problema, sumulat sa BUTI NA LANG MAY SSS, at BULGAR BLDG, 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa "sss.bulgar@gmail.com". Puwede ring magdala ng personal ng mensahe sa ating Facebook page: https://www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page