Horoscope | Agosto 18, 2019 (Linggo)
- Maestro Honorio Ong
- Aug 18, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG AGOSTO 18, 2019 (Linggo): Mahirap kang kaaway, ang aaway sa iyo ay mamalasin. Ito ang katotohanan, ayon sa iyong kapalaran. Yayaman naman ang iyong paglilingkuran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi makabubuti para sa iyo ang mag-iba ng plano. Gawin mo muna ang unang plano mo dahil magkakaroon ito ng magandang resulta. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-19-20-24-33-37.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bawasan mo ang iyong mga aktibidad na sobrang nagpapahirap sa iyo. Hindi ka isinilang para mahirapan, kumbaga, kung saan ka may ginhawa, roon ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-23-27-30-35-43.
GEMINI (May 21- June 20) - Huwag mong palipasin ang araw na ito na may sama ka ng loob sa taong malapit sa iyo. Dapat mong maunawaan na ang magkakaibigan ay likas na naglalamangan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-20-26-30-41-46.
CANCER (June 21- July 22) - Hawakan mo nang mahigpit ang iyong sarili dahil ang galit kahit kailan ay hindi mabuti. Lawakan mo ang iyong pang-unawa, lalo na sa mga mahal mo sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-17-23-29-31.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung nahihirapan kang makisama sa ibang tao, lumayo ka na lang. Ang matagal na paghihirap ng iyong kalooban ay magbubunga ng karamdaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-22-27-30-35-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dagdag-bawas ang mga kaibigan ng bawat tao. Nababawas ang walang pakinabang at nadaragdag ang mapakikinabangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-24-28-30-35-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huhusgahan ka ng mga mapanghusga. Sila naman ay huhusgahan ng langit at tatanggapin nila ang masaklap na parusa sa Banal na Utos na huwag kang mapanghusga sa kapwa mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-21-36-40-44-46.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Masyado mong inaanalisa ang mga kaganapan. Maganda rin ang ganito, kaya lang babagal ang kilos mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-8-11-18-26-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ayon sa matandang kuwento, ang pinili ng unggoy ay ang puno ng saging na akala niya ay magbubunga. Ikaw ay pinapayuhan na hindi ka dapat mainip sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-20-25-34-37-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag na huwag kang magseselos ng walang sapat na batayan. Ang pagseselos ay dapat nakaangkla sa ebidensiya at hindi sa mga kuwentu-kuwento lang ng mga tao sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-19-26-34-35-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo kontrolado ang mga kaganapan ngayon. Malalaman mo na mali pala ang sinasabi ng iba na sila ang gumagawa ng kanilang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-25-27-37-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Namumunga ang itinanim. Ang pagsisikap ay namumunga rin. Mamuhunan ka ng pagod at hirap, makaaasa ka na hindi ka mabibigo, bagkus, aani ka ng kayamanan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-21-24-33-36.




Comments