top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Fans, 'di ma-take, todo-palag… THE HOWS OF US NG KATHNIEL, TAGILID NA KINA KATHRYN AT ALDEN

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 18, 2019
1 min read

UMABOT na sa P714.6 million ang kinikita ng Hello, Love, Goodbye na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Patuloy pa rin itong pinipilahan at maging abroad ay maraming Pinoy ang nagri-request na ito ay mapanood.

At kung patuloy pa ang pagpapalabas ng Hello, Love, Goodbye, hindi imposible na maabutan na nito ang naitalang record ng The Hows of Us na certified all-time top blockbuster movie na tumalo sa kinita ng mga pelikula ni Vice Ganda sa MMFF.

At ‘yun ang isang bagay na hindi raw papayagan ng Kath­Niel fans. Hindi nila ma­tatang­gap na maagaw ng Hello, Love, Goodbye ang box office record ng The Hows of Us nina Kathryn at Daniel Padilla.

Eh, paano nga kung saka­ling malagpasan na ng HLG ang The Hows of Us? Mapi­pigilan pa ba nila ito?

Maliwanag naman sa lahat ang kinikita ng bawat pelikula. Hindi naman masa­­sabing may padding ito. Mas masaya naman kung kumikita ang mga pelikulang Pinoy.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page