Dahil kay Derek… KRIS, TULALA NA MILYONES NA ANG GINASTOS SA MOVIE NILA NI GABBY, BIGLANG OUT SA MMF
- BULGAR

- Aug 18, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

Photo: @concepciongabby
HINDI na tuloy ang (K)Ampon dahil na-late ang Quantum Films sa pagpapaalam sa MMFF na nagpalit sila ng leading man at sa halip na si Derek Ramsay, si Gabby Concepcion na.
Tinanggap ni Kris ang desisyon ng MMFF, pero hindi ibig sabihin, hindi siya naapektuhan. Sabi nga ni Kris, natulala siya dahil malaking pera na ang inilabas niya para rito.
“Tulala ngayon kasi bukod sa hindi tuloy ang isang project na ginusto ko talaga, may ilang milyon din na sagutin kami sa MMFF bond, prod staff, crew, and artists.”
Gayunpaman, wala raw siyang sinisisi at lesson learned ito sa kanya.
May nag-suggest na ituloy pa rin ni Kris ang (K)Ampon kahit hindi na pang-MMFF ang playdate dahil sayang ang nasimulang shooting days ni Gabby at sayang ang dapat sana ay reunion movie nila ng aktor. Wala pang sagot dito si Kris pero nahiya raw siya kay Gabby na nadamay pa sa isyu.
Inalala na lang ni Kris ang laging paalala sa kanya ni Boy Abunda to “Honor your pain” at ‘yun ang kanyang ginagawa.
“I won’t force myself to pretend okay ang lahat. You & I deserve much more than the pretend version of me. SEE YOU...WHEN I AM ME AGAIN,” pagtatapos ni Kris.





Comments