Ex-lover sa panaginip; pahiwatig na hindi masaya sa love life
- BULGAR

- Aug 18, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Ash ng Ash_Mikunug@ facebook.com.
Dear Professor,
Bakit palagi kong napananaginipan ang ex-husband ko, eh, may sarili na siyang pamilya at matagal na kaming hiwalay noong December 2014 pa?
Maraming salamat!
Naghihintay,
Ash
Sa iyo Ash,
Hindi nakapagtataka na mapanaginipan natin ang mga taong naging bahagi ng ating buhay.
Ang totoo nga, sila ang mas madalas nating mapanaginipan, pero may mga dahilan kung bakit natin ito nararanasan.
Kapag ang napanaginipan ay ang taong minsan mo ng minahal, ibig sabihin, sa mga araw na ikaw ay nanaginip, nakararanas ka ng kalungkutan sa kanyang kasalukuyang love life.
May pagkakataon na masaya ka, pero kulang ang saya na ito at para bang may hinahanap-hanap ka na makikita mo lang sa iyong ex-lover.
Gayunman, minsan ay naiisip ka ng ex mo, lalo na sa mga panahon o araw na napananaginipan mo siya.
Pag-aralan mo sa iyong buhay ang katotohanan na nasa itaas at makikita mo na hindi pala talaga nakapagtataka kung bakit ang mga naging bahagi ng buhay natin ay ating napananaginipan.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo








Comments