Random drug test sa mga estudyante, hindi dapat katakutan
- Ryan B. Sison
- Aug 17, 2019
- 1 min read

ANG pagsasagawa ng random drug test ay hindi masama o nakababahala dahil ang paraang ito ay hindi lang ginagawa para sa bansa kundi maging sa mga kabataan na naliligaw ng landas.
Gayunman, hindi natin masisisi na umalma ang ilang estudyante dahil kani-kanya tayo ng paniniwala at prinsipyong ipinaglalaban.
Pero dapat, imbes na kumontra sila ay makipagtulungan na lang sa mga kinauukulan, lalo na kung hindi naman sila guilty.
Samantala, kung sakaling magpositibo sila sa drug test ay hindi sila dapat matakot dahil isasailalim lang sila sa rehabilitasyon at hindi ikukulong.
Dagdag pa rito, sino ba ang ayaw matuldukan ang paglaganap ng iligal na droga sa bansa?
Lahat tayo ay gustong magkaroon ng maunlad na ekonomiya at progresibong bansa at mangyayari ‘yun kapag nagkaroon tayo ng malasakit sa isa’t isa at sa bayan.
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments