Miyembro ng NPA sumurender
- Pabs Hernandez III
- Aug 17, 2019
- 1 min read
NUEVA ECIJA— Sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Philippine Army (PA) kamakalawa sa Bgy. Sto. Niño, Bongabon.
Ang sumuko ay si Dimson Sagimsim, alyas Ka Ogie, miyembro ng NPA na nakabase sa lalawigan.
Ayon sa sumukong rebelde, nais na umano niyang magbagong-buhay at makapiling ang pamilya kaya nagpasya itong sumuko sa pamahalaan.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon si Sagimsim upang matiyak na bukal sa kanyang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.





Comments