top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kita sa palad... BABAENG MALAS SA UNA, JACKPOT SA PANGALAWANG ASAWA

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 17, 2019
2 min read

Katanungan

  1. Hiwalay na ako sa asawa at ngayon ay may manliligaw ako na hi­wa­lay din sa asawa. Natata­kot akong sagutin siya dahil baka maulit ‘yung nangyari sa una kong pag-aasawa dahil naging ba­baero at lasenggo ‘yung napangasawa ko. Ga­yundin, madalas niya akong saktan kaya hindi na ako nakatiis at nakipaghiwalay sa kanya.

  2. Sa palagay ninyo, Maestro, sa ikala­wang pag-aasawa, may pag-asa pa kaya akong lu­migaya o baka mas ma­buting maging single na lang ako? May dalawa akong anak sa una kong asawa at ma­babait sila.

  3. Dapat ba akong mag-asawang muli o ma­natili na lang akong single kapiling ang aking mga anak?

Kasagutan

  1. Kung pananaigin mo ang takot at iisipin ang na­karaan, baka mangyari ulit sa iyo ang mapait na kara­nasan sa una mong asawa.

  2. Oo, may dalawa ka ngang anak na nakakasama ngayon, pero paano ka­pag nagkaroon na sila ng sariling pa­milya?

  3. Kapag nagkaroon tayo ng mapait na karanasan, na­nanatili ito sa ating memorya kung saan ito ang dahilan kaya natatakot tayong mang­yari itong muli sa atin.

  4. Sa kaso mo, Clarissa, kapansin-pansing higit na malinaw at maganda ang ika­lawang Marriage Line (Dra­wing A. at B. 2-M arrow b.) kung ikukumpara sa unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  5. Ibig sabihin, sigu­rado na ang magaga­nap, sinasabing ang ika­lawang maganda, su­wabe at tuwid na Mar­riage Line (2-M arrow b.) ang mananaig sa iyong kapalaran. Sa ika­lawang pag-aasawa, may pangako na ng isang ma­ligaya at panghabam­bu­hay na pagpapamilya na madali namang kinum­pirma na matapos pumangit ay gumanda rin naman ang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow c. at d.) sa ka­liwa at kanan mong palad.

Dapat Gawin

Habang, ayon sa iyong mga datos, Clarissa, ang ika­lawang pag-aasawa ay ma­gaganap sa susunod na ta­ong 2020 sa edad mong 39 pata­as, hatid ng lalaking may zodiac sign na Taurus. Sa pi­ling niya, mabubuo ang ika­lawang pagpapamilya at walang duda, habambuhay ka ng magiging maligaya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page