top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bagyong krosa sa japan, 41 nadale, mga ilog umapaw

Jersey Sanchez
Aug 17, 2019
1 min read

ISA ang kumpirmadong nasawi sa Japan matapos mahulog mula sa bangka sa Hiroshima habang nananalasa ang Severe Tropical Storm Krosa.

Tumama ang bagyo sa Southern Hiroshima Region taglay ang bugso ng hanging aabot sa 126 kilometro bawat oras.

Bukod sa nasawi, 40 ang naitalang sugatan sa 13 prefectures kabilang ang lalaki na nasa edad 50 na naputulan ng binti.

Batay sa ulat, nabuwal ng malakas na hangin ang mga puno at poste habang napalubog ng malalakas na alon ang 10-metrong lighthouse at umapaw ang maraming ilog na dahilan ng mga pagbaha sa kalsada.

Tutungo ang Severe Tropical Storm Krosa sa Chugoku Region bago lumabas patungong Sea of Japan.

Bago tumama ang bagyo, ipinag-utos ng gobyerno ang paglikas ng nasa 430,000 residente.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page