Purok leader tepok sa riding-in-tandem
PAMPANGA—Isang purok leader ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Balibago, Angeles City.
Ang biktima ay nakilalang si Dominador Gomez, purok leader ng 6th Street sa nasabing barangay.
Nabatid na habang nakikipagkuwentuhan umano si Gomez sa isa niyang kapitbahay ay biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.





Comments