Naghihirap na? KRIS, NAGBENTA NG KOTSE MAGASTUSAN LANG ANG MOVIE NILA NI GABBY
- BULGAR

- Aug 16, 2019
- 1 min read

NAG-UMPISA na ang shooting ng movie ni Kris Aquino para sa Metro Manila Film Festival sa December under Quantum Films and Spring Films titled K(Ampon).
Dumalaw si Kris sa shooting ng movie kahit wala naman siyang eksena that day. Ang kapareha lang niyang si Gabby Concepcion ang kukunan that time.
Sa kanyang social media account ini-reveal ni Kris na isa rin pala siya sa mga producers ng said movie. Kaya buong pagmamalaki niyang ibinida ang isang new and modern equipment na ipinabili pa raw talaga niya abroad.
At walang kagatul-gatol na inamin ni Kris na kinailangan pa niyang ibenta ang kanyang kotse para lang mabili niya ang latest equipment na ‘yun in filmmaking.
May nagtatanong tuloy na netizens kung wala na raw bang pera si Kris at bakit kinailangan pa niyang magbenta ng kotse. Naubos na raw ba sa kababayad niya sa kanyang mga abogado dahil sa kadedemanda niya?
Parang ‘di naman kapani-paniwala na mauubusan ng pera si Kris, ‘no! Biyahe nga siya nang biyahe, ‘di ba?
For sure, may dahilan si Kris kaya niya naisip ibenta ang kotse niya bilang pambili ng latest equipment for her MMFF entry this year.





Comments