Lolo dinedbol ng karpintero
ISABELA—Isang 63-anyos na lolo ang pinatay sa saksak ng karpintero kamakalawa sa Bgy. Luna, Quirino.
Nakilala ang biktima na si Mario Bumalod, samantalang, ang suspek ay si Larry Corpuz, kapwa residente sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nag-iinuman sina Bumalod at Corpuz, kasama ang ilan nilang kaibigan nang magkaroon ng pagtatalo ang dalawa na humantong sa pananaksak ng suspek sa biktima.
Dinala pa ng mga saksi si Bumalod sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, kaagad namang nadakip ng pulisya ang suspek.





Comments