Kasabay ng new moon... DAPAT GAWIN AT DASALIN PARA LUMAGO ANG NEGOSYO

Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Thelma ng Thelma_ Galve s@facebook.com.
Dear Señor,
Gusto kong malaman kung ano ang dapat gawin para lumago ang tindahan namin? Alam kong hindi ninyo ako bibiguin.
Maraming salamat!
Naghihintay,
Thelma
Sa iyo, Thelma,
Ganito, iha, kapag new moon, hahagisan mo ng asin ang place of business mo.
Sa pinto, sa labas ng pinto at sa paligid ng tindahan.
Sa lugar kung saan inaabot ang perang ibabayad sa iyo.
Sa sahig o lapag ng tindahan at sa mga sulok, lalo na ang mga sulok na bihira mong mapansin.
Sa ilalim ng lalagyan ng pera.
Kapag new moon, magdasal ka ng Ama Namin.
Dapat taimtim ang iyong panalangin.
Pagdating sa mga salitang “sundin mo ang iyong kalooban” palitan mo ito ng “sundin mo ang kalooban ko”.
Pagkatapos ay idaragdag mo ang “nawa ay umasenso ang negosyo ko”.
Sabihin mo rin na ang gusto mo ay ang yumaman o suwertehin ka.
Tapos, isunod mo ang iba pang mga salita sa dasal na Ama Namin hanggang sa ito ay matapos mo.
Gagawin mo ang pagdarasal na itinuro sa iyo ngayon nang pitong beses.
Praktisin mo muna nang sa gayun pagdating ng new moon ay hindi ka kabahan, mautal at paputul-putol ang iyong pagdarasal.
Ipinaaalala sa iyo na ang kahulugan ng orihinal na dasal na “sundin ang kalooban mo” ay walang karapatang umangal o magreklamo ang tao kung ano ang ipagkakaloob sa kanya ng langit.
Muli, Thelma, praktisin mo ang dasal nang sa gayun ay hindi ka magkamali.
Good luck and God bless!




Comments