Aktres, expert na kasi at huli na ang kiliti ng TV host… VALERIE, BALIK KAY WILLIE
- BULGAR

- Aug 16, 2019
- 1 min read

GOOD news para sa amin ang balitang magiging co-host na rin sa Wowowin ang actress/host na si Valerie Concepcion na dating co-host ni Willie Revillame sa Wowowee.
Malaking ginhawa ito para kay Revillame dahil mababawasan ang kanyang trabaho sa Wowowin. Gamay na gamay na ni Valerie ang pagho-host ng game show. Napaka-energetic pa niya at alive na alive ang audience kapag siya ang host.
Ganoon din naman si Donita Nose na dati ring galing sa Wowowin na kasabayan noon ni Super Tekla. Hasang-hasa na si Donita Nose sa takbo ng Wowowin. Kuhang-kuha na niya ang style ng pagpapasaya ni Willie sa mga studio audience.
Bagama’t may tatlo pang co-hosts si Revillame sa Wowowin, still, hindi niya puwedeng iwan sa kanila nang lubos ang pagho-host ng show. Hindi pa sila kasingsanay nina Valerie at Donita Nose.
Magge-guest na rin ulit sa show ang comedienne na si Boobsie Wonderland. Well, nawala man si Sugar Mercado sa Wowowin, at least, nakabalik naman si Donita Nose.
Kung magdaragdag man ng talent fee si Revillame kina Valerie at Donita Nose, hindi naman siya masyadong mapapagod at mai-stress kapag may teyping.





Comments