2 cafgu utas sa engkuwentro
- Jeff Tumbado
- Aug 16, 2019
- 1 min read

PATAY ang dalawang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGUs) nang makasagupa ang mga hinihinalang kasapi ng New People’s Army sa Sallapandan, Abra, kahapon ng umaga.
Kinilala ang mga nasawi na sina Dandy Wacguisan at Gordon Gallao.
Batay sa paunang imbestigasyon, unang inatake ng komunistang grupo ang detachment ng pulisya sa Bgy. Maguyepyep.
Dahil sa insidente, inilikas ang ilang mga residente mula sa tatlong apektadong barangay sa Sallapandan at sinuspinde ang klase sa mga eskuwelahan.
Aminado si Sallapandan Mayor Garde Cardenas na nagpapalakas ngayon ang mga rebelde sa kanilang lalawigan kaya kinakailangang madagdagan ang puwersa ng mga awtoridad doon.








Comments