top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Todo-inggit sa bayaw na yumaman... GUSTONG MAG-ABROAD, PERO TAKOT NA IWAN SI MISIS DAHIL BAKA MANLAL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 15, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. Itatanong ko lang, kung mag-a-apply ako sa abroad, matutuloy kaya ako? Pinipilit kasi ako ng misis ko na mag-Dubai dahil naroon ang kuya niya at matagal na sa kumpanyang pinapa­sukan. Nangako siya sa akin na kapag nag-apply ako ay tutulungan niya akong makapagtrabaho roon.

  2. Sa ngayon ay ma­yaman na ang bayaw ko, nakapagpagawa na sila ng bahay at nakabili rin ng pampasaherong sa­sakyan, kaya naman ing­git na inggit ang misis ko.

  3. Noon pa ako niya­yaya ng bayaw ko na su­mama sa kanya at ipa­pasok daw niya akong driver sa kum­panya nila. Kaya lang, natatakot akong iwanan ang aking pamilya dahil baka pag­balik ko ay wala na akong misis at mga anak na abutan, lalo na nga­yong uso na ang mga ba­baeng nanlalalaki na na­kikilala nila sa Face­book.

  4. Kaya ito ang nais kong patingnan sa aking mga palad, Maestro, hin­di kaya ako lolokohin ng misis ko kapag nasa ibang bansa na ako?

  5. Kung sakaling nasa abroad ako, ma­giging komportable rin kaya ang buhay ko roon at ma­bibigyan ko ng ma­saganang buhay ang aking mag-anak?

KASAGUTAN

  1. Mr. Gemini, kung wala kang tiwala sa misis mo ay walang mangyayari sa buhay ninyo. Sama­katwid, malabo o hindi kayo aasenso, lalo na kung ikukumpara sa limpak-limpak na salaping kikita­in mo sa ibayong-dagat ang kakarampot na kini­kita mo sa kasalukuyan mong trabaho rito sa bansa.

  2. Sa praktikal na payo, kung malaki ang of­fer na suweldo, sungga­ban mo agad sapagkat tu­nay ngang kung hindi ma­daling matukso ang misis mo, makasisigurado kang hindi ka niya pagtataksi­lan sa sandaling nag-ab­road ka.

  3. Anuman ang iyong maging pasya, iiwanan mo ba si misis para mag-ab­road ka o kaya ay baban­tayan mo siya dahil wala kang tiwala sa kanya? Ang maliwanag ay ganito, ka­pansin-pansing may ma­linaw na Travel Line (Dra­wing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, sa bandang huli ng iyong pagdedesisyon, ang nasabing “guhit pa rin ng paglalakbay ang mana­naig”, makapag-a-abroad ka!

  4. Tulad ng iyong ba­yaw, mas madaling uunlad ang inyong kabuhayan sa pangingibang-bansa kaysa sa nagtitiyaga kang nama­masukan dito. Ang pag-aanalisang susuwertehin ka sa abroad ay madali na­mang kinumpirma ng lag­da mong may korteng sign ng dollar ($) sa unahan.

Bagama’t, hindi sina­sad­yang nabuo ito sa iyong pirma, ito ay ma­linaw na tanda na ngayon pa lang ay nasasagap na ng uncons­cious mong isipan ang ma­gandang magaganap sa ibayong-dagat kung saan kikita ka ng malaking ha­laga at tuluyan na kayong makaaahon sa kahirapan hanggang sa umunlad na ang inyong kabuhayan.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Tiwala at hustong pag­mamahal ang dapat mong ipunla sa iyong isi­pan at puso, Mr. Gemini, upang mawala ang takot at pangamba na baka sa iyong pag-alis ay magtak­sil ang iyong misis.

  2. Habang, ayon sa iyong mga datos, kung mag-a-apply ka na nga­yon at tatanggapin mo ang alok ng iyong bayaw, tiyak ang ma­gaganap, sa huling hati ng taong kasalukuyan, sa buwan ng Nobyembre o Disyembre, may mabunga at mabiyayang pangingi­bang-bansang ita­tala sa iyong kapalaran at ang pag-a-abroad na ring ito ang magiging simula upang tuluy-tuloy ng uma­senso ang inyong pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page