STRIKERS, NAGPATUMBA SA OT; RIZAL, GINULAT ANG BATANGAS


NANGGISA ang Bacoor sa overtime habang nakalusot ang Rizal noong Martes sa panalo sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season na idinaos sa Strike Gymnasium sa Bacoor City.
Nahirapan muna ang Bacoor Strikers bago nanaig sa Bacolod Master Sardines, 107-100 habang nagawa pang humabol ng Rizal Xentro Mall Golden Coolers sa 20 points na pagkaiwan upang gulantangin ang Batangas City Athletics, 78-76.
Ipinakita ni Gab Banal ang pagiging MVP ng MPBL Datu Cup nang pumoste ng 10 puntos kabilang na ang back-to-back triples sa ekstrang oras ng Strikers na may 8-2 record sa South division ng 31-team league.
Nakatabo ang versatile na si Banal ng 29 points, 11 assists at 7 rebounds sa ilalim ni coach Chris Gavina, na nabigyan ng 18 points ni Mark Pangilinan, 15 points at 19 rebounds ni Michael Mabulac at 12 points at 14 rebounds mula kay Michael Canete upang manambak ang Bacoor, 70-38.
Nasayang ang 27 puntos ni Pao Javelona, si Jopher Custodio ay may 23 points at si Mark Tallo ay may 17.
Samantala, binutata ng Quezon City ang Imus, 105-93, sa second game ng the tripleheader na dinumog ng fans. (MC)





Comments