top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Si Cesar lang daw ang first BF at pinakasalan, nauwi rin sa hiwalayan… SUNSHINE, KUMANTANG BINASTED

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 15, 2019
  • 1 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

BINUNYAG ni Sunshine Cruz na siya ay binansagang ‘Basted Queen’ dahil halos lahat ng nanliligaw sa kanyang actor ay binasted niya.

Sa Tonight with Boy Abunda, natanong ang aktres kung sinu-sino sa mga artistang lalaki ang nagkagusto sa kanya.

Game naman na sinagot ng aktres ang tanong ng King of Talk na si Boy Abunda.

Ang mga aktor na binasted ni Sunshine ay sina Joko Diaz, Tonton Gutierrez, Keempee de Leon at Kier Legaspi.

Ayon pa sa Kapamilya actress, ang aktor na masidhing nagkagusto sa kanya ay si Tonton. Katunayan ay nagpalagay pa umano ng tattoo si Tonton ng pangalan ni Sunshine sa dibdib nito. Si Keempee naman daw ay apat na beses niyang nabasted.

Ang naging first boyfriend niya ay si Cesar Montano na kanyang napangasawa, pero nagkahiwalay din sila.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page