top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Agosto 15, 2019 (Huwebes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Aug 15, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

SA MAY KAARAWAN NGAYONG AGOSTO 15, 2019 (Huwebes): Mabi­bilis ang mga kaganapan sa iyong buhay, dapat m­a­bilis ka rin nang sa ga­yun ay masunggaban mo ang magagandang opor­tu­ni­dad.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Negosyo ang unahin mo. Ang iba pang bagay ay huwag mo mu­nang tutukan, ngayon ang magandang pagkakataon para mapalago mo ang iyong kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-17-24-30-34-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kunin mo ang para sa iyo, huwag kang kukuha ng labis o sobra. Kapag nasunod mo ang payo, ang langit mismo ay pagkakalooban ka ng ma­gagandang kapalaran. Ma­suwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-10-25-30-35-43.

GEMINI (May 21- June 20) - Wala kang da­pat ipag-alala kahit pa sob­rang mabilis ang kilos mo. Ang totoo, ito ang susi para dumami ang pagpa­pala mo mula sa langit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-14-29-31-32.

CANCER (June 21- July 22) - Hindi mo maaawat ang iyong sarili sa pagsunod sa damdamin mo kahit pa ang isip mo ay sobrang tumututol. Ipa­natag mo ang iyong kaloo­ban, ang kaligayahan ay mapasasaiyo. Masuwer­teng kulay-black. Tips sa lotto-11-19-27-33-36-44.

LEO (July 23-Aug. 22) - At­ras-abante ang suwerte mo, pero sa huli ay magtutuloy ang pagdating ng magagandang kapa­laran sa buhay mo. Mag­tiwala ka lang sa langit. Ma­suwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-24-26-38-41-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kusang inaayos ng kapalaran ang buhay ng bawat tao. Tulad mo, aayu­sin ng kapalaran ang iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-15-21-25-34-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mabilis ang pag­ganda ng buhay mo kaya lang, madalas kang mag­kamali. Gayunman, paulit-ulit ding pagagandahin ng langit ang buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-22-26-30-33-36.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang maki­sali sa gusot kung ayaw mong magulo ang buhay mo. Tandaan mo ang lumang kasabihan na ang humahawak sa palayok ay tiyak na marurumi­han. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-10-11-18-21-25.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dala ng hangin ang ma­sarap na paki­ramdam sa pagod at hapo. Ipinapayo sa iyo na mag­li­­bang ka kahit ilang oras lang. Ito ay upang mana­riwa ang iyong sigla at la­kas. Ma­suwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-24-29-30-35-43.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit wala kang gawing anuman at ka­hit hindi mo hilingin, ikaw ay nakatakdang dalawin ng mga suwerte mo nga­yon. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-green. Tips sa lotto-19-22-27-37-40-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nadara­pa ang nagma­ma­dali, pero hindi ito para sa iyo. Mag­ma­dali ka! Ito ang payo nang sa gayun ay mawala sa ba­lanse ang mga lihim at lan­tad na kaaway mo. Masu­werteng kulay-yel­low. Tips sa lotto-7-10-14-25-34-46.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pakinggan mo ang payo ng mga taong sinu­werte na malapit sa iyo. Sila ang panggagalingan ng iyong magagandang kapalaran. Hindi dapat maging matigas ang ulo mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-25-28-30-31-39-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page