Bukod sa pagkakaroon ng UTI... PAGPIPIGIL NG IHI, NAKAMAMATAY!
- BULGAR

- Aug 15, 2019
- 2 min read

FOR sure, may mga pagkakataong hindi natin naiiwasang pigilan ang ating pag-ihi. Ito ay dahil sobrang busy tayo o walang malapit na CR sa lugar kung nasaan tayo, partikular kapag nasa biyahe. Mga bro at sis, alam ba ninyo na ang madalas na pagpipigil ng ihi ay maaaring maging sanhi ng pagkamatay?
Ayon sa mga eksperto, intensiyunal man ang pagpipigil ng ihi o hindi, mayroon itong masamang epekto sa ating kalusugan. Dagdag pa ng mga ito, bagama’t, hindi kaagad mapapansin ang epekto nito, kung patuloy nating gagawin ang habit na ito, magdudulot ito ng pangmatagalang problema sa atin.
Hindi natin ito nararamdaman agad, pero ang bladder o pantog natin ay mayroon nang kalahating litro ng ihi tuwing pinipigilan nating umihi. Mayroong receptors ang bladder wall na nagde-detect kung gaano karami ang ihi at nagbibigay ng signal sa utak kapag puno na ito. Gayundin, nagbibigay ng signal ang utak sa pantog para pigilan ang ihi dahil kung hindi ito mapipigilan ay alam n’yo na. He-he-he!
Ayon sa mga eksperto, kung patuloy na dededmahin ang mga signal na ito mula sa katawan, mayroon itong kapalit kung saan posible itong humantong sa nakamamatay na kidney failure. Inisa-isa ng mga ito ang ilang resulta ng pagpipigil ng ihi.
Una rito ang karaniwang nakukuha ng mga taong nagpipigil ng ihi, ang UTI o urinary tract infection. Nangyayari ito kung nagkakaroon ng impeksiyon ang urinary tract. Ito ang resulta ng pagpipigil ng ihi dahil dumarami ang bakterya kapag hindi ito nailalabas kaagad, gayundin, ang hindi pag-inom ng sapat na dami ng tubig.
Sey ng mga experts, bagama’t, hindi pangkaraniwan, posibleng mangyari ang ‘burst bladder’. Kapag nangyari ito dahil mapupuno ng ihi ang abdomen, kakailanganin ang emergency surgery. Gayunman, kapag feeling mo, eh, na-stretch ang iyong pantog at humina ang muscles mo, make sure na magpa-check-up ka kaagad.
Panghuli, ang incontinence kung saan nahihirapan ang katawan na kontrolin ang pagpipigil ng ihi. Ayon sa mga eksperto, ang simpleng pagbahing o pag-ubo ay maaaring maging sanhi ng biglaang pag-ihi, gayundin, karaniwan ito sa kababaihang nanganak na. Ito ay sanhi ng paghina ng pelvic floor muscles kung saan ito ang sumusuporta sa pelvic organs kabilang ang bladder o pantog.
Dagdag pa ng mga eksperto, kung patuloy na pipigilan ang ihi, tuluyang manghihina ang pelvic floor muscles kaya ang payo ng mga eksperto, para maiwasan ito, mag-CR kung sakaling naiihi na at huwag na itong pigilan pa.
Dagdag pa rito, ang kidney stones ay nabubuo kung ang waste products sa dugo ay nag-form ng crystals at na-develop. Pangkaraniwan itong nangyayari kung hindi madalas uminom ng liquid ang indibidwal, gayundin, kung madalas itong nagpipigil ng ihi.
Naku, hindi lang pala UTI ang puwede nating makuha sa pagpipigil ng ihi, mga besh! Kaya para sa mga pasaway diyan, siguraduhing ititigil n’yo na ito dahil for sure, hindi maganda ang maidudulot nito sa inyong kalusugan.
Gets mo?





Comments