top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kaya 'di makasama kay Mariel sa Tate… ROBIN, TODO-DIKIT NA KAY P-DIGONG, WA' EPEK, WALA PA R

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 14, 2019
  • 2 min read

UMIYAK si Mariel Rodriguez sa Magandang Buhay during the send-off party na ibinigay sa kanya ng Kapamilya morning show sa pangunguna ng mga hosts na sina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros.

Sobra kasi siyang naging emosyonal sa special gift na ibinigay sa kanya ng show. Simpleng necklace lang naman ‘yun, but what made it special for Mariel kaya siya napaiyak ay dahil sa pendant.

Ang naka-design kasi sa pendant ay ‘yung painting na ginawa ng anak nila ni Robin Padilla na si Isabella.

Tuwang-tuwa rin si Mariel sa iba pang baby gifts ng Magandang Buhay especially ‘yung crib. Wala pa raw kasi sila nito para sa ipinagbubuntis niya na pinangalanan nilang Gabriella.

Bago pa man ang guesting ni Mariel sa MB ay nag-file na siya ng leave of absence sa ABS-CBN.

Gusto raw kasi niya na mag-spend ng more time with Isabella and Robin bago sila pumunta sa US ng anak. Doon kasi manganganak si Mariel gaya nu’ng una siyang manganak kay Isabella.

Any moment ay pupunta na sina Mariel at Isabella sa USA. Knows naman ng marami na until now ay wala pa ring US visa si Robin kaya maiiwan siya sa ‘Pinas.

This is also the reason kaya in-advance na ni Mariel ang selebrasyon ng 50th birthday ni Robin sa November just recently.

Isang sorpresa na nga ‘yun for Robin na all along, ang akala niya pala, birthday ni Mariel ang pinagkaka­abalahan nitong i-prepare weeks ago.

Pero malay natin, si Robin naman ang magsorpresa kay Mariel sa US. Baka naman matulungan siya ni Presidente Rodrigo Duterte na mabigyan na ng US visa.

Walang imposible kapag pinursige lalo pa’t special guest sa party ni Robin si P-Digong.

Star-studded din daw ang party ni Robin na ginanap sa isang resto sa Makati. Nakatsikahan namin ang isang dating showbiz reporter na very close noon sa mga sikat na action stars na nandoon sa event.

Nakita raw siya ni Vice Ganda at agad na sinabihan na bawal interbyuhin ang TV host. Eh, ‘di naman daw talaga niya iinterbyuhin si Vice. Bisita raw siya nina Robin at Mariel bilang long-time friend, kaya wala sa plano niya ang mag-interview that night.

Anyway, gulat na gulat ang mga kaibigan namin na nakakita ng bahay nina Robin at Mariel sa Multinational Village sa Parañaque. Sa corner lot daw nakatayo ang bahay nila na mistulang napakalaking mosque.

Dagdag pa nila, ‘yun ang pinakamalaking bahay na nakita nila sa nabanggit na village.

Ganern?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page