top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Horoscope | Agosto 14, 2019 (Miyerkules)

Maestro Honorio Ong
Aug 14, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

SA MAY KAARAWAN NGAYONG AGOSTO 14, 2019 (Miyerkules): Marami ang magsasa­man­tala sa taglay mong lihim na suwerte. Marami ang yayaman nang dahil sa iyo, pero mas magan­dang yumaman ka rin.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makadarama ka ng lungkot kahit sa totoo lang, wala kang sapat na dahilan para malungkot. Ito ay simpleng nagsasabi lang na ngayon ay hindi ka dapat makuntento. Ma­suwerteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-2-19-22-28-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mo ng hana­pin ang na­wala, ituon mo ang iyong sarili sa paparating palang at ito ay ang magagandang ba­gay na sa iyo ay magbibi­gay ng sobrang kaligaya­han. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-13-17-28-30-35.

GEMINI (May 21- June 20) - Huwag mong pansi­nin ang nag­papapan­sin dahil masa­sa­yang lang ang oras mo. Tandaan mo, ang mga nag­papapansin ay mga nega­ti­bong tao na sisira lang sa diskarte ng taong posi­tibo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-13-28-30-31.

CANCER (June 21- July 22) - Sarili mo ang kalaban mo sa araw na ito. Paano ka mananalo? Ang gusto mo ay huwag mong gawin, ang gawin mo ay ang pinagagawa sa iyo ng kaibigan mo. Masu­wer­­teng kulay-blue. Tips sa lotto-3-14-17-20-21-25.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ma­gaganap ang ayaw mo, pero magugulat ka dahil ang mga suwerte ay mapasasaiyo at sasabihin mo na ang kagustuhan ng langit ay mas mabuti kay­sa sa kagustuhan ng tao. Ma­suwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-17-21-28-30-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang makipagsaba­yan. Isagawa mo ang gusto mo sa pa­lihim na paraan. Sa ga­nito, magugulat ang lahat dahil malayo na pala ang narating mo at naiiwanan mo na ang mga karibal mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-26-30-36-42-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magpatulong sa hindi mo pa gaanong ka­kilala. May mga tagong motibo na sa huli ay pa­rang patibong na ikaw ang biktima. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­wer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-10-15-28-30-36-43.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magdag­dag ka ng ka­alaman para hindi ka malugi sa papa­su­kin mong negosyo. Hu­wag kang maniwala na ang tagumpay ay palaka­san lang ng loob. Ito ang men­sahe para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-red. Tips sa lotto-12-24-25-26-35-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mag-ingat ka! Nagkalat ngayon ang mga taong may lihim na galit sa mundo. Suriin mo munang mabuti ang pag­atao ng mga gus­tong ma­kipagkaibigan sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-brown. Tips sa lotto-12-27-30-37-40-45.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lihim kang matuwa kapag ang ka­away mo ay nakaporma laban sa iyo. Ito ay kon­disyon ng iyong kapala­ran bago mo matanggap ang naglalakihang mga suwerte sa buhay. Masu­werteng kulay-white. Tips sa lotto-12-16-23-27-43-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mapa­pansin mo ang iyong sarili na kahit nabubuhay ka sa saya ay may kulang pa rin sa iyo. Ito ay ang ligaya na hindi nagmumula sa mga materyal na bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-2-17-22-26-31-32.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumuha ka ng lakas ng loob sa mga hamon ng kapalaran na iyong na­pagtagumpayan. Ito ang pananggalang mo sa mga nasa harapan mong sa big­lang tingin ay malalaking pagsubok. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lot­to-16-20-21-24-30-36.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page