FURNITURE STORE NATUPOK NG APOY
- Pabs Hernandez III
- Aug 14, 2019
- 1 min read
BUTUAN CITY—Isang furniture store ang tinupok ng apoy kamakalawa sa Purok 7, Bgy. Ampayon.
Ang nasunog ay ang Chiba Furniture and Export Store sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, bigla umanong sumiklab ang sunog sa furniture store at mabilis na kumalat ang apoy kaya natupok ang naturang establisimyento.
Nabatid na wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na sunog.





Comments