top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Natauhan na raw, Elmo… SIGAW NI JANELLA: MAHALIN MO MUNA ANG SARILI MO BAGO ANG BF MO!

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 13, 2019
2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

NANG bumisita sa morning talk show na Magandang Buhay ang cast ng Kapamilya serye na The Killer Bride, isang hugot tungkol sa pag-ibig ang binitiwan ni Joshua Garcia.

Nang matanong kung ano ang pinaka­malaking aral na natutunan niya pagdating sa pag-ibig, ani Joshua, “Ako, natutunan ko na maging kuntento. Kuntento sa kung ano ang meron ako. Tapos ‘yung tipong kahit na isang linggo kayong hindi magkita, ‘yung ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin niya, ‘yung ganu’n.”

Hindi kaya patama ito sa huling naka­relasyon ni Joshua na si Julia Barretto? Na­ging kontrobersiyal kasi ang hiwalayan nilang dalawa lalo na nga’t nadamay pa ang kan­yang ex-GF bilang third party sa breakup nina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Sa ngayon, ayon kay Joshua, nais na muna niyang pagtuunan ng pansin ang sarili.

“‘Yun nga rin ang parang mina-master ko ngayon — mahalin ko muna ang sarili ko,” aniya.

Kasama rin ni Joshua sa Magandang Buhay ang bago niyang ka-love team na si Janella Salvador.

At ang natutunan naman ni Janella pagdating sa pag-ibig, “Know your worth. In a relationship kasi, you cannot love the other person properly kung hindi mo ma­mahalin ang sarili mo. So, never forget about your worth kahit nasa relationship ka. Alamin mo pa rin kung ano ang ma­kakabuti sa buhay mo individually, hindi lang para sa inyong dalawa. At kung mag­kapareho kayo ng plans, eh, di that means you are meant for each other. But don’t forget about yourself.

“Me kasi, ever since I was small, wala talaga akong image ng dream guy ko. Ang gusto ko lang talaga ever since, which until now pareho pa rin is, kasi nga lumaki ako sa broken family na okay na, na-resolve, wala naman akong hard feelings, pero siyempre, ang hinanap ko was a father figure, hindi ba? So, sabi ko, paglaki ko, I want to end up with a complete family. Someone who will really stick with me ‘til the end. ‘Yung kapag nagkaroon kayo ng problems or whatever, ‘yung kakausapin ka, mature mag-deal with problems. Someone who will… basta maram­da­man ko na totoo ‘yung pag­ma­mahal,” pagbabahagi ni Janella tungkol sa kanyang dream guy.

Samantala, isang “mother figure” rin ang hinahanap ni Joshua sa kanyang dream girl.

“Same kami ni Janella, wala rin akong specific na dream girl kasi ako, basta na-feel ko na love ko ‘yung babae o feel ko ‘yung babae, wala akong arte sa babae.... Same kami (ni Janella) since broken family din ako. Naghanap din ako ng mother figure. So, gusto ko ‘yung aalagaan ako,” paha­yag ni Joshua.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page