Hindi mo kailangang mangamba, besh... NANAGINIP NG BAHA AT MALAKAS NA LINDOL; PINATATATAG SA HAMON N
- BULGAR

- Aug 13, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Lou ng Lou_Paguagan@facebook.com.
Dear Professor,
Ano ang kahulugan ng panaginip ko? Palagi akong nananaginip ng tubig tulad ng baha, malalim na tubig at malakas na lindol, pero palagi naman kaming nakaliligtas. Sana, matulungan ninyo ako.
Salamat!
Naghihintay,
Lou
Sa iyo Lou,
Alam mo, lahat tayo ay may mga alalahanin at kinatatakutan, pero lumilipas din ang mga ito.
Nag-aalala ang mga tao na masisira ang kanyang kabuhayan dahil sa baha, lalo na ngayong tag-ulan. Balikan mo ang nakaraang mga taon, makikita mo, nangyari na rin ang ganito sa parehong panahon, pero ikaw ay buhay na buhay pa rin.
Ang malalim na tubig ay naglalarawan ng problemang pandamdamin. Muli, balikan mo ang iyong nakaraan kung saan dati ka na ring nakaranas nang malalim na suliranin na may kaugnayan sa iyong damdamin. Pero ngayon, ‘di ba, ikaw ay ikaw pa rin?
Nayanig na noon ang buhay mo, pero hanggang yanig lang dahil naririto ka pa at puwedeng magsaya.
Ang mga ito ay proseso ng buhay sa mundo na ang layunin ay patatagin ang tao. Kapag ang tao ay naging matatag, kayang-kaya na niyang harapin ang hamon ng kanyang kapalaran.
Kaya ang iyong mga panaginip ay maganda dahil muli, ikaw ay pinatatag dahil mahaharap ka sa mga hamon ng iyong kapalaran at inaasahang ikaw ang magwawagi.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo




Comments