DAWA, CATIPON AT BAYLON, 5-GOLDS SA SEAG KURASH?

ISANG malaking pagkakataon para sa mga Filiinong atleta na maipamalas ang tikas at lakas sa isang panibagong sport sa 30th edition ng Southeast Asian Games simula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
Magde-debut ang sport na Kurash sa biennial meet dala ang pag-asang makuha ang limang gintong medalya na ipinangako para matulungan ang bansa na makuha ang overall title.
Ipaparada ng pambansang koponan ang ‘All-Filipino’ line up nito sa pangunguna ni 9-time SEA Games Judo gold medalist at Judo Legend John Baylon, na umaasang makukuha ang pang-10 ginto sa biennial meet.
Bukod kay Baylon (men’s-81kgs), makikipagbalibagan din sina SEA Games Judo medalists Dennis Catipon (men’s-73kgs), Jayson Senales (men’s-90kgs), Helen Dawa (women’s-52kgs), Jenielou Mosqueda, (women’s-57 kgs), Estie Gay Linawen (women’s-63kgs), Bianca Estrella (women’s-70kgs), Sydney Sy (women’s+70 kgs), Dieter Tablan (men’s +90kgs) at 5th AIMAG bronze winner Al Rolan Llamas (men’s-66kgs).
Ayon kay Philippine Kurash Sports Federation Inc. president at head coach Roland Llamas, malaki umano ang tsansa nilang makakuha ng limang gintong medalya dahil sa pagkakaroonng veteran line up na nagmula lahat sa national team ng Judo.
“Nais nating mabigyan ng break ang mga Pinoy dahil sa Judo, puro na kasi Filipino-Japanese, na sa tingin ko naman, malaki ang chance na makuha natin ‘yung five golds o baka suwertehin o higit pa,” pahayag ni Llamas sa panayam dito sa telepono.





Comments