Dahil hindi natin alam kung kailan ito darating... MGA DAPAT GAWIN ‘PAG NANGYARI ANG ‘THE BIG ONE’

Bigyang-daan natin ngayon ang pagpapatuloy sa kasagutan ng email ni Maria Lourdes ng Lourdes_Delos_Santos@face-book.com.
Sa iyo, Lourdes,
Sa nakaraang isyu, ibinahagi natin kung ano ang mga dapat gawin kapag dumating ang “The Big One” kung saan ayon sa mga eksperto, maaari itong umabot sa Intensity 8 o higit pa.
Ngayon, talakayin at ipaalam natin sa lahat ang mga dapat gawin sakaling magtamo ng malalang pinsala ang Metro Manila kung saan halos hindi na ito puwedeng matirahan.
Nakawan, sakit, gutom at kawalang-pag-asa ang tiyak na mararanasan ng mga tao. Ang mga gusali ay guguho, walang kuryente at suplay ng tubig, gayundin ang komunikasyon dahil walang signal ang mga cellphone, TV at radyo.
Maihahalintulad ito sa nakasulat sa Genesis na ang mundo ay magulo, madilim, walang kaayusan at ang lahat ay giba. Pero mas grabe pa ‘yun dahil karahasan ang naghahari.
Sa ganitong sitwasyon, ang lahat ay pinapayuhang pumunta sa bundok ng Sierra Madre upang maka-survive. Ito ay nasa East of Manila kung saan mararating ito ng pito hanggang walong oras kung lalakarin.
Noong panahon ng digmaan, ang bundok na ito ang nagliligtas sa mga Pilipinong rebolusyunaryo. Kaligtasan mula sa gutom ang ibinigay ng bundok sa mga lumaban sa mga mananakop na kung tawagin ay “Huks”.
Ayon sa tala, noong World War II, ang paanan ng bundok ang naging takbuhan ng mga taga-Maynila kung saan dito sila nabuhay kasama ang mga Pinoy na matagal nang naninirahan dito.
Sagana sa pagkain, tubig at sobra sa sapat ang basic needs ng tao na magagawang makarating sa Bundok ng Sierra Madre kung sakaling mawala ang Metro Manila dahil sa malalakas na lindol.
Muli, mararating ang paanan ng bundok sa loob ng pito hanggang walong oras na lakaran.
Good luck and God bless!




Comments