Tuwang-tuwa na nakuha na ngayon, Julia… JOSHUA, UMAMING MATAGAL NANG GUSTO SI JANELLA

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

PERFECT timing para kay Joshua Garcia ang pagtatambal nila ngayon ni Janella Salvador sa ABS-CBN teleserye na The Killer Bride at JoshNella ang tawag sa kanila ngayon.
Paliwanag ni Janella, dati pa sana sila nagkatrabaho ni Joshua, pero laging nauudlot dahil sa pagkakaroon nila ng ibang ka-love team.
“Ilang beses na dapat kami nagka-work in the past, pero laging ‘di natutuloy,” paliwanag ni Janella.
“Finally, nu’ng sinabi nila na si Joshua ang pine-peg nila, sabi ko, ‘Sana, si Joshua talaga.’
“Kasi, maybe this is the right project na magkatrabaho na kami.”
Agree naman dito si Joshua na noon pa man ay gusto nang makatrabaho si Janella.
Sabi ng aktor, “Dati pa lang, sinasabi ko na sa handler ko, ‘Sana, makatrabaho ko si Janella.’
“I think this is the right time for us, and I’m happy. I’m happy na makatrabaho siya... very professional siya.
“‘Pag gusto niya ang ginagawa niya, focused siya. Passion sa work niya, nakikita ko,” sabi ng aktor.
Para kay Joshua, advantage ang magkaroon ng ka-love team dahil nakatutulong ito para mahasa ang pag-arte.
“Sa industry namin, maganda sa amin na nakakapag-work kami with different actors, kasi naggo-grow kami at may natututunan kami sa kapwa actor namin kung sino ang makakapareha.
“For me, okay siya sa akin. Nakakatulong siya sa growth ko as an actor and as a person.”
Ayon kay Janella, malaking tulong ang pagkakaroon ng love team sa career, pero kung siya raw ang masusunod, ayaw niyang matali sa isang love team.
“Love teams are good to a certain extent. I have nothing against it, kasi nakakatulong talaga siya sa iba. Pero I’m against this stigma na ‘pag may ka-love team ka, hindi ka puwedeng mag-work with other people.
“Kaya kami nasa industry na ito, kasi we want to be able to express, play different characters. We meet different people kasi that’s how you grow,” pahayag ng aktres.





Comments