top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Palad ng babaeng ‘di susuwertehin sa pagnenegosyo

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 11, 2019
2 min read

KATANUNGAN

  1. Dati akong OFW at bago pa lang akong su­musubaybay sa inyong mga kolum, pero dahil sa mga isinusulat ninyo ay naging suki na rin ako ng BUL­GAR.

  2. May ilang tanong ako tungkol sa aking ka­palaran kaya naisipan kong sumangguni sa inyo, ito ay tungkol sa guhit ng aking palad, kung may pag-asa ba akong yumaman?

  3. Marami na akong negosyong nasubukan mula nang umuwi ako galing abroad, pero walang nang­yari, nalugi lang ako at nabaon pa sa mga pagka­kautang.

  4. Ano ang dapat kong gawin, dapat ba akong mag­patuloy sa aking pagnenegosyo o bumalik na lang ako sa abroad bilang domestic helper, lalo na at ma­bait ang mga amo ko at pinababalik na nila ako sa kanila?

KASAGUTAN

  1. Mas makabubuting bumalik ka na lang muna sa abroad kaysa magnegosyo, ito ang nais sabihin ng sobrang malawak at malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na sa panahon ngayon, hindi pa nakalaan sa kapalaran mo ang umasenso o umunlad sa pama­magitan ng negosyo, bagkus, tulad ng nasabi na, higit kang papalarin at uunlad sa tuluy-tuloy na pangingi­bang bansa.

  3. Ang pag-aanalisang higit kang masuwerte at mapalad sa abroad kaysa sa pagnenegosyo sa mga panahong ito ng iyong buhay ay madali namang ki­numpirma ng lagda mong tila lumilipad at may anyo o hugis na parang dollar sa bandang unahan.

  4. Ibig sabihin, ngayon pa lang ay nasasagap na ng unconscious mong isipan ang muling pagsakay sa ero­plano at napipintong paghawak muli ng dollar habang ikaw ay nagtatrabaho sa ibayong-dagat.

  5. Samantala, kung negosyo talaga ang gusto mo, pero hindi pa ngayon, dapat ang nature ng itatayo mong negosyo ay may kaugnayan sa import-export nang sa gayun ‘yung mga produktong gagawin mo ay magkaroon ng kabayarang hindi pesos kundi dollar. Sa ganu’ng nature ng business tulad ng naipaliwanag na, mas madali kang uunlad at yayaman.

  6. Subalit, tulad ng paalala, hindi pa ito ngayon kundi sa mga susunod pang panahon o kaya ay ma­aaring mga 5 to 10 years pa bago umusbong at tuluyang luminaw ang Business Line (Drawing A. at B. N-N arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, approximately sa mga taong 2024 o 2025 ka pa dapat magsimula sa pagnenegosyo upang masigurado ang iyong pag-unlad at pag-asenso.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Habang, ayon sa iyong mga datos, Carla, tulad ng nasabi na, hindi pa ngayon ang panahon ng pag­nenegosyo dahil dapat kang mag-abroad muna.

  2. Kaya itigil mo muna ang walang kapararakang eksperimento sa pangangalakal dahil kapag ipinag­patuloy mo ito, maaari kang muling malugi.

  3. Kapag muli kang bumalik sa pangingibang-bansa, makikita mo, sa edad mong 41 pataas, tuluy-tuloy ka nang uunlad at aasenso hanggang sa makaipon ka ng sapat na puhunan at ka­pag may sapat ka ng pu­hunan, sa taong 2024 o kaya ay 2025 ka magsimula ng negosyo, sa ganyang pa­raan, mas matitiyak mo ang mabilis na pag-unlad at pag-asenso hanggang sa tuluyan ka ng yumaman sa taong 2028, sa edad mong 51 pataas (Drawing A. at B. H-H arrow c.).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page