top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga pari, obispo at alagad ng Diyos, hindi ligtas sa panggigipit

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 11, 2019
  • 2 min read

SINABI ni Hesus sa Kanyang mga alagad, “Kung patuloy kayong susunod sa Aking aral, tunay nga kayo’y mga alagad Ko; maki­kilala ninyo ang kato­to­hanan at ang kato­to­hanan ang magpa­pa­laya sa inyo.” (Juan 8:32)

Halos dalawa’t kala­hating taon nang naka­kulong si Sen. Leila de Lima. Napakatagal na niyang nagtitiis sa maliit at mainit na selda. Isa sa mga natutunan niyang gawin ay ang magdasal nang taimtim.

Hindi pa noon naku­kulong si Sen. De Lima ngunit, malinaw ang mga bantang binitiwan laban sa kanya ng mga makapangyarihang tao, higit sa lahat ang pa­ngulo. Hindi nagpapigil sa kanya ang mga bantang ito. Malinaw sa kanya ang kahalagahan at kabanalan ng katotohanan.

Walang ibang bata­yan ang batas kundi ang katotohanan. Walang ibang sandata ang sinu­mang abogado o hurado kundi ang katotohanan. Alam ito ng mga maga­galing at matitinong abogado, gayundin ang mga baluktot at bayaran kaya ganu’n na lang ang pait at sakit na nararam­daman niya sa kanyang pagkakakulong na wa­lang malinaw at matibay na ebidensiya, walang anumang batayan sa katotohanan.

Patung-patong ang mga pagdurusang tinitiis niya. Una, masakit sa kanya ang makita kung paano baluktutin ang batas sa paggamit ng huwad na ebidensiya at testigo.

Siya ay dating kali­him ng Department of Justice (DOJ). Alam niya ang kahalagahan nito sa pagtatanggol sa karapatan ng bawat mamamayan sa maayos at patas na pagpapatupad ng batas. Alam niya kung paano dapat mag­tulungan ang iba’t ibang sangay ng sistema ng katarungan mula sa Kor­te Suprema hanggang sa Court of Appeals; Regional Trial Courts; Metropolitan Courts; Fiscals; Ombudsman; Solicitor General at iba pa.

Pangalawa, ang pag­bawi sa kanya ng kala­yaan bilang mamama­yan. Hinahanap-hanap niya ang kanyang mga mahal sa buhay.

Pangatlo, inaasam-asam niyang makabalik sa Senado upang luma­hok sa mga deliberas­yon sa plenaryo at iba’t ibang kOmite. “Iba talaga kapag naroro­on ka sa Senado mismo kaysa sa iyong selda upang pag-aralan at isulat ang mga panukalang-batas na iyong isinu­sulong,” madalas ni­yang sabihin.

Noong Biyernes, ika-9 ng Agosto 2019, ipinatawag (subpoena) ng DOJ ang 36 na ina­kusahan ng sedisyon. Mula nang lumabas ang akusasyon, nagkaroon na ng iba’t ibang pag­kilos ang mga taong-Simbahan bilang pagpa­pakita ng suporta sa apat na Obispo, tatlong pari at ermanong naakusa­han ng sedisyon.

Sa mga pagtitipong ito, mayroong pagdiri­wang ng banal na misa na nagbibigay ng pagka­kataong magsa­ma-sama ang mga mananam­pa­lataya, pari, relihi­yoso at Obispo upang mag­da­sal, mag-aral at mag­nilay tung­kol sa mga nagaganap sa ating lipu­nan. Totoo bang may­ro­­ong pang­gigipit at per­se­kusyon sa Simba­han?

Magandang tularan ang senadora sa kanyang malalim at masigasig na panalangin. Kapag pala­gi natin itong gagawin, hindi malayong mara­nasan natin ang pag-unlad sa ating buhay, ang katotohanan at lakas ng loob na ipahayag ito at ang kalayaang dulot ng panalanging nagtitiwala sa Panginoon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page