First baby nila ng mister… SOLENN, BUNTIS NA!
- BULGAR

- Aug 11, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

SUNOD-sunod na congratulatory messages ang nabasa namin sa Instagram (IG) ni Solenn Heussaff nang i-announce nila ng asawang si Nico Bolzico that they are pregnant.
Makikita na mahal ng showbiz sina Solenn at Nico dahil karamihan sa mga nag-congratulate ay taga-showbiz.
Hindi pa sinasabi ng mag-asawa kung ilang buwang buntis si Solenn. Ang sabi lang nila, “@nicobolzico We’re in this together. #BabyBolz.”
Sa IG Story, may ipinost si Solenn na “Half way there.”
Kaya pala parang mawawala ang karakter ni Solenn sa Love You Two o baka naman mabawasan lang ang mga eksena niya para hindi siya mapuyat at mapagod nang husto.
At least, maiiba na ang tanong kay Solenn, hindi na kailan siya magbubuntis kundi kung kailan siya manganganak.





Comments