Ayaw pakabog kay Gretchen, todo-sawsaw sa Bea vs. Julia… NETIZENS KAY KRIS: KUNG WALA KANG SASABIHIN

Beth Gelena / BULGARY FILES

AMINADO si Kris Aquino na fan siya ni Bea Alonzo at tuloy pa rin daw ang pagsuporta niya sa Kapamilya actress.
Pero unfair naman sa parte ni Julia Barretto na agad siyang kinokondena.
Sa ganda raw ni Bea, nakatitiyak siyang maraming manliligaw sa actress.
Bakit daw kinakailangan pang siraan si Julia at ang ina nitong si Marjorie Barretto?
“Spare this women. Both Bea and Julia DESERVE to move on from this issue. Nakakasawa to put women against each other,” lahad pa ng Queen of All Media.
Hindi pabor ang mga netizens sa tinuran ni Krissy. Hindi raw siya nagpakabog sa enemy niyang si Gretchen Barretto.
“Sawsaw to be relevant. ‘Di papadaig kay Greta,” anila.
Heto pa ang ibang komento sa sinabi ni Kris.
“Selective criticism, Ms. Krissy. You only see what you want to see. Pinupuna mo lang kung ano ang convenient. Kung ‘di ka lang naman din mag-i-impart ng lesson na magma-mark sa mga kabataang involved, quiet ka na lang sana. Possibly just to counter Tita Gretchen.”





Comments