Alamin ngayong Buwan ng Wika 10 SALITANG PINOY NA NASA OXFORD ENGLISH DICTIONARY
Bulgarific Lifestyle

AUGUST na! Agost-o pa rin kita, cheret!
Hindi lang natin hinihintay ang August dahil sa dami ng holiday kundi para ipagdiwang ang Buwan ng Wika!
Ang tema ngayong taon ay “Wikang Katutubo, Tungo sa Isang Bansang Filipino” dahil sa Resolution No. 19-03 at kasabay na rin sa pagdiriwang ng International Year of the Indigenous Languages (IYIL) o Pandaigdigang Taon ng mga Katutubong Wika na idineklara ng UNESCO.
Kaya bilang pagdiriwang ngayong Buwan ng Wika, narito ang ilan sa mga Filipinong salita na kasama sa Oxford English Dictionary.
1. YAYA. Ito ay noun na ang ibig sabihin sa Oxford ay “a woman employed by a family to look after a child, a sick or elderly person”.
2. BAON. Ito ay noun na ang ibig sabihin ay “money, food or other provisions taken to school, work or on a journey”.
3. BARKADA. Ibig sabihin ay “a group of friends”.
4. KIKAY. Ito ay adjective na ang ibig sabihin ay “belonging to or characteristic of a kikay; interested in beauty products and fashion; stylishly feminine”.
5. BALIKBAYAN. Ang ibig sabihin nito ay “a Filipino visiting or returning to the Philippines after a period of living in another country”.
6. MABUHAY. Exclamation, salutation o greeting. Ito rin ang ibig sabihin ng good luck!
7. SARI-SARI STORE. Ang ibig sabihin nito ay “a small neighborhood store selling a variety of goods”.
8. PASALUBONG. Ang ibig sabihin nito ay gift or souvenir given to a friend or a relative by a person who has returned from a trip or arrived for a visit”.
9. SUKI. “A buyer or seller involved in an arrangement whereby a customer from the same provider in exchange for favorable treatment”.
10. DESPEDIDA. Ito raw ay “social event honoring someone who is about to depart on a journey or leave an organization; a going-away party.”
Ilan lamang ‘yan sa mga salitang hindi lang tayo ang nakababasa at nakaaalam kundi ang buong mundo na! Kaya kung ang ibang bansa ay tinanggap at minahal ang ating mga salita o wika, kailangan ay mahalin din natin ito. Marami pa tayong matututunan sa ating wika, kailangan lang natin itong pag-aralan at mahalin.





Comments