Hashtags member, todo-deny pa…IBINUKING NI VICE: ATE GIRL JACKIE AT TOM, BREAK NA!


TRENDING ang episode para sa mga huling contestants na papasok sa grand finals ng BidaMan sa It’s Showtime last Friday. Pero bago ang segment ng BidaMan, may mga nagulat sa sinabi ni Vice Ganda kay Ate Girl Jackie Gonzaga sa portion na Kapare-Who.
Sa umpisa ay kausap nina Vice at Jhong Hilario ang isa pang mainstay ng show at nababalitang boyfriend ng gay comedian na si Ion Perez pagkatapos niyang sumayaw kasama ang isang contestant sa Kapare-Who.
Pagkatapos ay tinawag ni Vice si Ate Girl para partner-an sa sayaw ang naturang contestant. Kasabay nito ay nagpakawala ng statement si Vice na tamang-tama kay Ate Girl na partner-an sa sayaw ang Kapare-Who contestant dahil break na siya sa kanyang karelasyon.
Nagtaka ang ilang viewers kung nagbibiro o seryoso si Vice nu’ng sinabi niyang break na si Ate Girl sa BF nito. Hindi naman lingid sa marami na boyfriend ni Ate Girl ang Hashtags member na si Tom Doromal.
Tila nabigla si Ate Girl sa sinabi ni Vice, pero hindi naman siya naglabas ng malaking reaksiyon at nag-focus na lang sa kanyang task. Unlike nu’ng unang beses na super cry si Ate Girl habang nag-e-emote tungkol sa “pagmamahal” niya kay Vice.
Unang nabalitang nagkahiwalay sina Ate Girl at Tom last June. Pero agad na pinabulaanan ito ni Tom sa kanyang social media account.
Sinilip namin ang kani-kanyang Instagram account nina Ate Girl at Tom at makikitang parehong walang recent photo na magkasama silang dalawa sa mga posts nila.
Nag-iba na rin pala ang hitsura ni Tom ngayon. Mahaba na ang kanyang buhok at may pabigote na, huh?
And most of his pictures na naka-post sa IG reveals na sobra ang pagkahilig niya sa motorcross.
Hmmm... True kaya na break na sina Ate Girl at Tom this time?





Comments