top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Eksperimento ng MMDA kontra trapik, sablay na, tuloy pa rin!

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 10, 2019
1 min read

ANTI-COMMUTER! Anti-poor! Kalbaryo!”

Ito ang sigaw ng mga komyuter at motorista na apektado sa anila’y ‘eksperimento’ sa EDSA — dry run ng yellow lane policy at provincial bus ban.

Anila, maluwag ang lanes para sa private vehicles habang ang da­lawang yellow lanes para sa mga bus ay nagmistulang parking lot. Ka­ni-kanyang post sa social media ang mga pasaherong late na sa eskuwela at trabaho.

Gayunman, sa kabila ng mga batikos, nanindigan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipagpapatuloy nila ang pagpapatupad ng yellow lane policy.

Hirit pa ng pamunuan ng ahensiya, ang kawalan umano ng disiplina ng mga motorista, partikular ng city bus drivers ang sanhi ng masikip na daloy ng trapiko sa EDSA.

Hindi raw magiging masikip ang yellow lanes kung matututo lamang magbigayan ang mga motorista.

Gayunman, hindi naman puwedeng araw-araw ay ganito ang eksena, tiyak na babagsak ang ekonomiya at magkakaubusan ng pasensiya. Siguro, tama na lakihan ang yellow lanes para magkasya ang city buses. At utang na loob, huwag na nating hintaying gumastos para sa mga fence, hindi naman siguro natin ikamamatay kung manatili sa lanes kung saan tayo nararapat.

Hindi lamang mga driver ang dapat punahin kundi maging tayong mga commuter din. Kapag may karatulang “no loading and unloading”, huwag nang pasaway. Doon tayo sa tamang babaan o tamang sakayan.

Kung lahat ay magiging disiplinado, tiyak na mababawasan ang problema sa trapiko.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page