top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Credit card niya, ginamit… ANGELICA, NINAKAWAN NG P.5 MILYON, IPINAGSIGAWAN SA TWITTER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 10, 2019
  • 1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

TILA may pahiwatig na naman na ibinigay sina Angelica Pa­nga­­­niban at Cholo Barretto tung­kol sa real score sa kanilang relas­yon.

Sa isang Instagram Story ni Angelica, binati niya si Cholo ng “Happy week­sary,” na sinundan pa ng aktres ng pag­tatanong sa kanyang “Pudding” (ang kanilang tawagan ni Cholo) kung anong oras na. Sa huli ay si Angelica rin ang sumagot ng, “143 na.”

Sa mga naunang interviews ng ak­tres, itinanggi niya ang balitang may namama­gitan sa kanila ni Cholo at si­nabing tinatawanan na lang niya ang mga ito dahil sanay na siyang binibig­yan ng malisya ng mga tao ang kanyang mga ginagawa.

Samantala, marami ang naloka sa recent tweet ng aktres nang ibulgar niyang may gumagamit ng kanyang credit card sa Pampanga at aabot na sa P500 thousand ang nagagastos nito.

Aniya, “May gumagamit ng credit card ko sa Pampanga. Malapit na siya uma­bot sa P500K. Walang magawa mga tao. Ba’t ‘di kayo mag-ipon para sa sarili n’yo? Ba’t kayo magna­na­kaw?”

Nag-tweet din ang aktres ng tungkol sa pagsita sa kanya ng isang staff noong humingi siya ng pagkain.

Tweet ni Angelica, “From now on, hindi na ‘ko maghahanap ng pagkain sa shoot. Attitude pala ang tawag du’n. Sorry, ha? Nahihiya ako sa inyo. (Nag- alok naman kasi ng kape.)”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page