Car bombing sa afghanistan, 164 nadale
NASAWI ang 14 katao matapos ang pagsabog sa labas ng police station sa Kabul, Afghanistan.
Bukod pa rito, 150 katao ang naitalang sugatan na agad dinala sa iba’t ibang pagamutan.
Ayon sa interior ministry ng Afghanistan, gumamit ng car bomb ang mga suspek at pinasabog nang harangin at pahintuin sa checkpoint.
Inako ng grupong Taliban ang naturang pag-atake.
Sinabi ni Sediq Sediqi, tagapagsalita ni President Ashraf Ghani na patuloy ang pag-atake ng mga Taliban kung saan ito ang nagpapatunay na hindi sila interesado sa anumang usapang-pangkapayapaan.





Comments