Bigo sa tangkang pagtakas | PRESO NAGBIGTI, PATAY
NATAGPUANG patay sa kanyang selda ang Brazilian inmate ilang araw matapos ang tangkang pagtakas sa pamamagitan ng pagdi-disguise.
Ayon sa mga awtoridad ng Rio de Janeiro, nagbigti sa kayang selda ang convicted drug dealer na si Clauvino da Silva, 42.
Hinatulan ito ng 73 taon at 10 buwang pagkakabilanggo dahil sa drug charges.
Unang naiulat na nagtangkang tumakas si Silva matapos mag-disguise at magpanggap bilang 19-anyos na anak nitong babae.
Hindi ito nagtagumpay matapos makita ng prison officials ang CCTV footage.
Noong 2013, nagtangka ring tumakas si Silva sa pamamagitan ng pagdaan sa drainage system ngunit, naaresto rin pagkalipas ng ilang buwan.





Comments