top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

‘Wag ding todo-kuskos para hindi dumugo ang gums... SEY NG EXPERTS: PAGTU-TOOTHBRUSH, 2X A DAY LANG!

  • Ronalyn Reonico
  • Aug 10, 2019
  • 3 min read

ISA ka ba sa mga nakarara­nas ng pagdurugo ng gums sa tuwing nagsesepilyo o nagpo-floss ng mga ngipin? Kung pa­lagi kang nakararanas ng ga­nito, naku, lodi, basahin mo ito!

Sey ng experts, ang pagdurugo ng gums tuwing nagsesepilyo o nagpo-floss ng mga ngipin ay maaaring senyales ng health problems.

Mayroong iba’t ibang factors na ma­aaring magdulot ng pagdurugo ng gums tulad ng sobrang pagkuskos ng sepilyo sa mga ngipin at gums, injury, pagbubun­tis o pamamaga ng gums. Ang namama­gang gums ay maaaring sintomas ng pe­rio­­don­tal disease tulad ng gingivitis o pe­riodo­ntitis.

Anu-ano nga ba ang home reme­dies para maiwasan ang pagdurugo ng gums?

1. PAGPAPANATILI SA KALINI­SAN NG BIBIG. Ang pagdurugo ng gums ay maaaring sign ng poor dental hy­giene. Namamaga ang gums at nagdurugo sa oras na mayroong mamuong plaque sa gum line. Ang plaque ay nagtataglay ng bacteria. Kapag hindi maayos ang pagsesepilyo at pagpo-floss ng mga ngi­pin, sisirain ng bacteria ang ngipin at gums. Sey ni Christine Frank, general den­tist ng Healthline, dalawang beses sa isang araw ang wastong pagsesepilyo at ipinapayo niyang mag-floss ng ngipin isang beses sa isang araw.

2. PAGHINTO SA PANINIGA­RIL­YO. Hindi lamang lung cancer, heart disease at stroke ang maaaring idulot ng paninigarilyo dahil nakapagdudulot din ito ng gum diseases. Ayon sa Center for Disease Control and Prevention, pani­ni­ga­rilyo ang pangunahing dahilan ng se­vere gum disease sa United States.

3. PAG-INOM O PAGKAIN NG SAGANA SA VITAMIN C. Ang pag­konsumo ng mga pagkaing sagana sa Vi­tamin C ay nakatutulong para lumakas ang im­mune system at maiwasan ang pag­kaka­roon ng gum infection na isa sa mga pangunahing dahilan ng gum blee­ding.

Samantala, sey ng experts, ang pagka­karoon ng Vitamin C defiency ay isa rin sa mga maaaring dahilan ng pagdurugo ng gums kahit wasto ang oral habits. Ilan sa mga pagkaing sagana sa Vitamin C ay orange, lemon, sweet potato, red pepper at carrots.

4. PAG-INOM O PAGKAIN NG SAGANA SA VITAMIN K. Mahalaga ang Vitamin K dahil tumutulong ito sa produksiyon ng blood clot. Ang kakula­ngan sa Vitamin K ay sanhi rin ng pag­durugo ng gums. Ang mga pagkaing mayaman sa Vitamin K ay spinach, collard greens, kale at mustard greens.

5. PAGLALAGAY NG MALA­MIG O COLD COMPRESS. Maa­aring makaranas ng pagdurugo ng gums kahit walang gum disease ang tao. Isa rin sa mga dahilan ng pagdurugo ng gums ang pagkakaroon ng injury sa gum tissues. Ang cold compress ay ma­katutulong para mabawasan ang pa­ma­maga ng gums at mapigilan ang pagdurugo nito.

6. PAG-INOM NG GREEN TEA. Ayon sa mga eksperto, ang pag-inom ng green tea ay makatutulong para ma­iwasan ang pagkakaroon ng periodon­tal disease at bleeding gums. Ang cate­chin na taglay ng green tea ay isang uri ng antioxidant na tumutulong para ma­ba­wasan ang inflammation na dulot ng mga bacteria sa bibig.

7. PAGMUMUMOG NG MA­ALAT NA TUBIG O SALT WATER. Ang regular na pagmumumog nang tatlo hanggang apat na beses sa isang araw ng maligamgam na tubig na may asin ay makatutulong para ma-dried up ang bacteria na nagdudulot ng gum disease at pagdurugo nito. Pero, ayon sa dentist na si Craig Zunka, dating pre­sidente ng Holistic Dental Association, ang pagdaragdag dito nang kaunting baking soda at hydrogen peroxide ay makapapatay ng mga bakterya at ma­kapagpapanatili sa kalinisan ng bibig.

8. PAG-INOM NG GATAS. Ang milk ay mayroong Vitamin K at calcium na nakapagpapatibay ng buto tulad ng ngipin at nakapipigil sa pagdurugo ng gums. Ayon sa Journal of Periodonto­logy, napag-alamang hindi madaling magkaroon ng gum disease ang mga taong madalas kumonsumo ng gatas at dairy products tulad ng cheese at yogurt.

9. PAGKAIN NG HONEY. Ang maayos at regular na pagma-massage ng honey sa gums ay nakatutulong para sa pagpatay ng bacteria na dahilan ng pagdurugo nito dahil sa anti-bac­terial at anti-inflamatory properties na taglay ng honey. Ito rin ay nakaga­ga­mot ng mga bacterial infections tulad ng gingivitis.

10. PAGGAMIT NG COCO­NUT OIL. Ang coconut oil ay may taglay na natural healing properties, kaya naman aprub kay Dr. Thomas Connelly ang paggamit nito bilang panggamot sa pag­durugo ng gums. Ito rin ay may­roong taglay na anti-inflammatory at anti-microbial nature.

Para sa healthier gums, make sure na gagawin natin ito mga lodi, okie?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page