Masyonda na raw, mga bata pa ang kalandian… DEREK, IKINUMPARA KAY GERALD, NAGALIT!
- BULGAR

- Aug 9, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

NAGALIT ang aktor na si Derek Ramsay nang ikumpara siya ng isang basher kay Gerald Anderson.
Mainit na pinag-uusapan kasi ngayon sa mundo ng social media ang kontrobersiyang kinakaharap ni Gerald tungkol sa ginawa niyang biglang pang-iiwan sa GF na si Bea Alonzo at ang pagkalat ng pag-amin diumano niya kay Dennis Padilla sa panliligaw niya sa anak nito na naging leading lady niya sa pelikulang Between Maybes na si Julia Barretto. Dahil dito, binansagang “babaero” at “playboy” ang Kapamilya actor.
Ang siste, kahapon (Agosto 8) ay nag-post si Derek ng litrato niya kasama ang pamangkin niyang batang babae na tila hahalikan niya. May netizen na may account name na @shinettearevalo ang biglang nag-comment ng... “Gawa ka na kasi ng baby mo. Matanda ka na, hindi ‘yung puro kalandian lang ang ginagawa mo. ‘Yan tuloy, si Gerald Anderson, nagmana sa ‘yo.”
Hindi ito pinalampas ng The Better Woman actor at sinabing “@shinettearevalo Salamat sa advice and I hope because of what you said masaya ka for the rest of your day.”
May isang fan ang nagtanggol kay Derek at sinabing may anak ito sa dating karelasyon na si Mary Christine Jolly.
Sagot uli ng basher, “@iiamsachie Alam ko sa asawa niya dati, kay Jolly. Ano ang akala mo sa akin, t*nga? What I mean is sa present. G*go isip-isip din kasi.”
Tila hindi napigilan ni Derek ang sarili at sinabihan ang basher ng “@shinettearevalo Hey, ‘wag ka bastos! Ikaw nga ang gago, tapos ikaw pa bastos.”





Comments