top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Horoscope | Agosto 09, 2019 (Biyernes)

Maestro Honorio Ong
Aug 9, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

SA MAY KAARAWAN NGAYONG AGOSTO 9, 2019 (Biyernes): Marami ang yayaman dahil sa iyo. Mga suwerte ang dala mo sa madidikitan mo. Yaya­man ka rin kapag ginusto mo ng gamitin ang iyong mga suwerte.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatag at tibay ng loob ang ta­lagang pam­pasuwerte mo. Kaya pana­tilihin mong maging ma­ta­tag sa harap ng mga ha­mon na iyong kinahaha­rap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-3-19-24-29-30-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pagmamahal sa sarili ang tu­nay na pinang­gagalingan ng iyong lakas. Kahit ano ang iyong ma­ranasan, mahalin mo ang iyong sarili nang sa gayun ay manariwa ang iyong mga suwerte. Masuwer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-18-23-26-31-35-40.

GEMINI (May 21- June 20) - Ngayon mo na gamitin ang pampasuwerte na nasa iyo. Pero, pumili ka lang muna ng isa, ‘yun, kapag hinawakan mo ay may kakaibang saya kang madarama. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­wer­teng kulay-white. Tips sa lotto-16-20-26-31-33-36.

CANCER (June 21- July 22) - Isuot mo ang iyong pabori­tong kuwintas ngayon dahil hahatak ito ng magagandang kapala­ran na mapasasaiyo. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-11-18-24-28-30-33.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ti­yak na may gamit ka na kulay ginto. Ga­mitin mo ito ngayon nang sa gayun ay mapa­saiyo ang mga suwerteng ihuhulog ng langit. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng ku­lay-yellow. Tips sa lotto-9-12-25-39-41-44.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lagyan mo ng harot ang bu­hay mo. Puwe­de ka ring umawit ng ma­sasayang awitin, hindi ma­halaga kung maganda o hindi ang boses mo. Ito ang magdadala ng mga suwerte sa harapan mo. Masuwerteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-5-14-16-24-27-30.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit nasa ba­hay ka lang, isuot mo ang damit mo na lantad ang iyong kagandahan. Ito ang susi ng iyong kapalaran na magbubukas sa pintuan kung saan daraan ang iyong mga buwenas. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-15-19-23-24-39-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Basagin mo ang katahi­mikan kung saan ikaw mismo ang nag­ku­long sa sarili mo. Muli mong harapin ang mundo nang may sigla at saya sa iyong puso at damdamin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-9-11-17-23-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Simple lang ang sikre­to kung paano ka bubuwenasin. Batiin mo ang mga nakatataas sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-11-15-28-32-36.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ilabas at linisin mo ang itinatago mong lumang gamit. Sa mani­wala ka o hindi, ito mismo ang iyong pinakaepekti­bong pampasuwerte. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng ku­lay-black. Tips sa lotto-7-17-18-21-33-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Palawit ang iyong pam­pasuwerte nga­yon. Simple mo itong hi­puin at magugulat ka dahil biglang magdaratingan ang iyong magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-16-23-27-33-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag nada­rama mong pa­rang hindi umu­usad ang iyong kapalaran, ang payo sa iyo ay pasya­lan mo ang iyong mga kaibigan at simple kang makipag­ku­wentuhan. Ito ang men­sahe sa iyo ngayon. Masu­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-11-18-21-28-35.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page