Bigtime pusher tepok sa shootout
Pabs Hernandez III
Aug 9, 2019
1 min read
LAGUNA—Isang bigtime drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation kamakalawa sa bayan ng Lumban.
Ang suspek ay nakilalang si Reynante Coralde, nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa buy-bust operation si Coralde, pero nanlaban ito at pinagbabaril ang pulisya.
Dahil dito, kaagad gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan kaya napatay ang suspek.





Comments