Away, umabot sa korte… JOHN LLOYD AT ELLEN, 1 MONTH NANG HIWALAY
- BULGAR

- Aug 9, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

MAY balitang lumalabas na nakita umano ang sexy actress na si Ellen Adarna sa Regional Trial Court sa Cebu. Anila, nag-file umano si Ellen ng Temporary Protection Order (TPO) laban sa ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz.
Ang nasabing balita ay lumabas sa Super Balita Cebu. May balita kasing hiwalay na raw ang celebrity couple nu’ng nakaraang buwan pa. Wala pang kumpirmasyon ang isyu dahil parehong hindi pa nagsasalita ang rumored ex-couple.
Kaya raw nag-file si Ellen ng TPO ay para maprotektahan ang anak nilang si Elias Modesto. Hindi na raw kasi ma-take ng sexy actress ang kakaibang pag-uugali ng actor lalo na kapag ito ay nakainom.
Ang hiwalayan ng dating controversial couple ay hindi gaanong napagtutuunan ng pansin sa showbiz circle. Natatabunan kasi ito ng hot issue ngayon nina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto.





Comments