top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Resbak, pumalpak… JULIA, IMBES KAAWAAN, LALONG NAGING NEGA SA MGA BANAT KAY BEA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 8, 2019
  • 2 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

Photo : @juliabarretto

AYAN, imbes na natahimik na ang isyu hinggil kay Julia Barretto ay muling umusok ang social media sa mahabang litanya ng young actress. Nagsalita na nga ang anak ni Marjorie Barretto na idinaan niya sa kanyang socmed account.

Ayon sa mga netizens, palaban ang young actress at pinatunayan lang niya ang kanyang pagkamaldita.

“Birhen-birhenan ang mukha, pero santa-santita pala sa totoong buhay,” sabi ng isang netizen.

Sa mensahe ni Julia, talagang binanggit pa niya ang name ni Bea Alonzo at inakusahang binu-bully siya ng actress sa pamamagitan ng socmed.

Heto ang isang linya sa napakahabang post ni Julia, “You can play victim if you want, but I refuse to be your victim.”

Dahil binanggit ni Julia ang “bully” word, hindi lang mga netizens ang nag-react kun­di maging ang mga kaklase niya noon.

Buwelta ng kanyang former classmate, “That is downright bullying. SOME of your past schoolmates’ statements/sides on that matter, Ms. Julia. ctto”

“Bullying, ah yes, bullying. Remember what kind of student you were in grade school to high school, sister? Charot, wala lang, balikan lang. LMFAO.”

Isa naman ang nagsabing, “Ohhh remember during sum­mer leap when I was having my asthma attack and wouldn’t stop coughing tapos she said ‘Can you please stop barking?’”

“Naalala ko lang talaga ‘yung nagsagutan sila ng art teacher ko.

“OMG! SAME, LOLA, I’ll never forget how she screamed and walked out because of how rude she was.”

“Foreign language ba ‘yan? Naabutan niya pala ‘yun, AHA­HAH.”

Dahil sa pambubulgar ng former classmates ni Julia sa kanyang ugali, sinabihan siya ng mga netizens na “maldita.”

Narito ang ilang komento ng mga netizens:

“KAILANGANG IPADISIP­LINA KAY TITA GRET­CHEN, jk.”

“Maldita pala talaga.”

Itinag ng mga netizens ang tita ni Julia na sina Claudine at Gretchen. Nag-react si La Greta sa viral statement ng pamangkin at nang mabasa ang mensahe ni Julia ay lalong nag-decide ang actress na pumanig sa side ni Bea.

Matapang pang sinabi ni Gretchen na desperate move ang ginawa ng pamangkin at nag-hire rin umano ito ng ghost writer.

Ani La Greta, “Team Bea for the win!”

Sa pagsasalita ni Julia, mukhang naghahamon daw ng giyera ang young actress.

Samantala, marami ang may gustong marinig ang panig ni Bea. Pero kahit hindi na raw magsalita ang aktres, maraming netizens na ang nagtatanggol sa kanya.Wrong move raw kasi ang ginawa ni Julia, kaya imbes na maka­tulong sa young actress ay nag-boomerang pa sa kanya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page