May ibang dahilan daw... NADINE, KUMANTANG 'DI DAHIL SA SAKIT KAYA UMATRAS KAY AGA
- Vinia Vivar
- Aug 8, 2019
- 2 min read

BAGAMA’T marami ang nanghihinayang sa pagba-back-out ni Nadine Lustre sa Metro Manila Film Festival entry na Miracle in Cell No.7, naniniwala naman ang aktres na may right project pa rin namang darating sa kanya.
“Ako naman kasi, I’m not rushing. Like I’m happy with what I did for this year. And I know na marami pa pong darating and if it’s not for me, hindi talaga para sa akin. Darating din naman po ‘yung right project for me, so I’m not really rushing,” pahayag ng aktres sa panayam sa kanya ng press sa red-carpet premiere night ng Indak held last Monday night sa SM Megamall.
Nilinaw din ni Nadine na wala naman siyang health issues sa pagba-back-out kundi talagang napagod lang siya sa sunud-sunod na trabaho, partikular na nga sa Indak since dance-musical film ito at sa dance rehearsals pa lang ay talagang madugo na.
“I really just wanna rest. Kasi medyo nararamdaman ko na ‘yung burnout, eh, ‘yung pagod na po. And there are times na...especially with Indak, ang hirap kasi, sumasayaw po kami, nagte-training kami, medyo hectic din po ‘yung schedule, kasi aside from the shoot, meron pang rehearsals, marami-marami po. So, talagang nakakapagod siya.
“I really requested po talaga for a break, para makapag-recharge po ako,” sey pa ni Nadine.
Maging ang leading man niyang si Sam Concepcion ay umaming talagang nahirapan silang lahat sa Indak.
“Putting this movie together was a lot of hard work. Hindi lang siya movie, may dancing and all, may singing, marami,” sey ni Sam.
“Sakit sa katawan,” natatawang sabi ni Nadine.
Pero sa totoo lang, sulit naman ang lahat ng sakit ng katawan na inabot nila sa Indak dahil lutang na lutang naman talaga sa pelikula ang husay nila sa pagsasayaw at makikita rin na talagang pinagtrabahuhan nila nang husto ang mga dance sequences sa movie.
Gustung-gusto namin ang solo dance number ni Nadine sa gitna ng dagat habang nakasakay sa bangka, gayundin ang powerful finale dance number nila in the end.
Showing na mula kahapon, Wednesday (Aug. 7) ang Indak na hatid ng Viva Films mula sa direksiyon ni Paul Basinillo.





Comments