top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kahit na sino, 'di matutuwa sa kanya… DATING SIKAT NA AKTOR, NAUNA ANG YABANG, NALAOS AT NAWALA

  • Erlinda Rapadas T.
  • Aug 8, 2019
  • 1 min read

BLIND ITEM:

AHIT na ano pa ang gawin ngayon ng isang dating sikat na aktor, hindi na niya maibabalik pa ang mga nasa­yang niyang pagkakataon.

Nabigyan siya ng chance na sumikat at magbida sa ilang shows ng malaking network dahil guwapo at may talent naman siya.

Akala ng mga tao sa kanyang paligid ay ang aktor na ang susunod sa yapak ng isang sikat na sikat na aktor na mistulang “king” ang status sa network. Popular na popular kasi noon ang magaling na aktor, pero muk­hang naunahan ng angas at yabang ang aktor at nagkaroon agad ng kakaibang awra at attitude.

Naging demanding at mareklamo ang aktor, naging mainggitin din siya sa ilang nakasabayang aktor sa network na naunahan na siya sa pagsikat at may magagandang projects at maraming product endorsements.

Naramdaman na ng maangas na aktor na tumatamlay na ang kanyang career. Nakipag-break pa sa kanya ang GF niya na isang magaling na aktres kaya lalong nawalan ng interes sa kanya ang publiko.

Ngayon, hindi na siya maka­pag-demand sa network na siya ay gawing bida sa serye dahil hang­gang second lead na lang ang role niya. Wala siyang choice dahil kaila­ngan niya ng project. Sino ngayon ang dapat sisihin sa nangyari sa kanyang career?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page