Horoscope | Agosto 08, 2019 (Huwebes)

SA MAY KAARAWAN NGAYONG AGOSTO 8, 2019 (Huwebes): Isinilang ka na taglay mo ang mayamang imahinasyon. Puwedeng-puwede kang yumaman kapag sa negosyo mo ito itinutok.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbababala ang araw na ito na ililigaw mo ang iyong sarili. Dahil dito, huwag na huwag kang magbabago o mag-iiba ng mga naiplano mo na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-20-23-30-44-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon mo paunlarin ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga kaalaman. Pero, huwag mo kaagad itong subukang gawin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-23-28-31-35-37.
GEMINI (May 21- June 20) - Maniniwala ka sa hindi naman totoo, ang nakakatuwa, ito ay ipaglalaban mo, pero ang masayang balita, sa huli ay magigising ka sa katotohanan na nagkamali ka pala. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-28-30-31-33-35.
CANCER (June 21- July 22) - Pigilan mo ang iyong damdamin. May babala na maaawa ka sa hindi dapat kaawaan at ito ay iyong mamahalin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-11-14-15-26.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mag-ingat ka! Kapag malaki, madali at mabilis ang gawain o bagay, huwag mo itong paniwalaan. Ang mga ito ay senyales na darayain ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-15-18-20-22.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maganda ang humingi ng payo. Ang mga ito ay para sa iyo na susi mo sa pag-asenso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-18-21-27-31-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kanino ka maniniwala? Sa palaging nasa tabi mo o sa nagsasabing siya ay palaging nasa likod mo? Ang paniwalaan mo ay ang taong pinangungunahan ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-11-14-21-29-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang sumunod sa mahihigpit na utos. Ang ilagay mo sa iyong isip ay ang kaligayahan na nagmumula sa pagiging malaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-24-28-30-33-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magsimula ka muna sa ibaba, ito ang tunay na sikreto kung paano ka mapupunta sa itaas. Ang hindi nakauunawa rito ay mabibigo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-17-18-20-25-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pasakitin ang ulo mo nang dahil sa mga nasa malapit sa iyo. Mas maganda na pumunta ka muna sa malayo o mamasyal ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-14-16-28-30-31.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malayo ngayon ang distansiya ninyo ng karelasyon mo kahit pa aktuwal na malapit siya sa iyo. Ito ang nakalulungkot na mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-14-18-22-25-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon. Sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba kundi ang palaging nakakontra sa iyo at lihim na naghahangad na mabigo ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-19-21-24-30-45.




Comments