Buking sa zodiac sign... BABAENG SA IBANG LALAKI LILIGAYA, ‘DI SA BF KAHIT NAGBABALAK NANG MAGPAKASA
- BULGAR

- Aug 8, 2019
- 2 min read
Dear Maestro,
Gusto kong malaman kung compatible ba kami ng kasalukuyan kong boyfriend at kung kami na ba ang magkakatuluyan? August 12, 1990 ang birthday niya at September 14, 1991 naman ako.
Siya na kaya ang lalaking makakasama ko, habambuhay? Matagal na kaming magkarelasyon at sa katunayan, nagbabalak na kaming magpakasal. Sa ngayon, nagtatrabaho siya sa ibang bansa bilang seaman.
Kung hindi kami compatible, sino ang ka-compatible ko, kailan darating at siya na kaya ang mapapangasawa ko?
Umaasa,
Danika ng San Pedro, Gen. Tinio, Nueva Ecija
Dear Danika,
Bagama’t, magkapitbahay na zodiac signs ang Leo at Virgo, hindi tunay na magkatugma o compatible kayo. Sa halip, ang relasyon ninyo ay pumapasok sa ikatlong theory o ikatlong batas ng compatibility na tinatawag na “neighboring attraction”.
Ang “neighboring attraction” ay nagsasabing, kung sino ang magkakapitbahay na planeta at zodiac sign ay kusang naghihigupan at nagbibigayan ng lakas at enerhiya sa isa’t isa upang magpatuloy ang sistema ng sansinukob at sistema ng pananatili ng mga bituin sa kalangitan.
Ngunit, ang ganyang relasyon, tulad ng Leo at Virgo na bagama’t, compatible sila dahil magkatabi o magkapitbahay ang zodiac sign ay madali ring nagkakalimutan at nagkakalabuan sa sandaling lumayo ang isa dahil sa hindi inaasahang pangingibang-bansa o pagtatrabaho sa malayong lugar.
Sa panahong nagkalayo at nawalan ng komunikasyon ang magka-compatible sa “neighboring compatibility”, tiyak ang magaganap, hihina ang power of attraction ng dalawa hanggang sa bumitiw ang lakas na nag-uugnay dito hanggang sa mahulog sa kawalan at tuluyang matapos ang nasabing relasyon.
Kung ganyan ang relasyon ng magkasintahan o mag-asawa, ang pananatiling buo o buhay ang komunikasyon at tiwala sa isa’t isa ay sadyang napakahalaga sapagkat hindi gaanong matibay ang relasyon kung ito ay “neighboring attraction” tulad ng Leo at Virgo.
Sa madaling salita, Danika, ang pinaka-compatible ng zodiac sign mong Virgo ay silang mga isinilang sa kapwa mo earth element signs tulad ng Taurus, Capricorn at Virgo, gayundin, ang Pisces na kabilang sa elementong tubig habang ang Gemini ay ka-compatible mo rin dahil ang Virgo at Gemini ay may iisang ruling planet, ang Mercury.
Bukod sa mga zodiac sign na nabanggit, higit na magiging maligaya ang papasukin mong pag-aasawa at magiging maunlad ang itatayo ninyong pamilya kung ang nasabing lalaking sasagutin, magiging boyfriend at mapapangasawa mo ay isinilang sa mga petsang 5, 14, 23, 8, 17, 26, 7, 16 at 25.
Habang, ayon sa iyong Love Calendar, sa taong 2021, magaganap ang iyong pag-aasawa, hindi sa kasalukuyan mong boyfriend kundi sa lalaking may nabanggit na zodiac sign at birth date sa itaas.
Sa iyong pag-aasawa sa nasabing panahon, sa edad mong 30 pataas ay tuluy-tuloy ka nang magkakaroon ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.




Comments