Atat na atat sa aktor… KRIS, KAHIT MAY SAKIT, GAME KAY DEREK, INAYAWAN NAMAN
- BULGAR

- Aug 8, 2019
- 1 min read

MATAGAL nang pangarap ni Kris Aquino na makatambal/makatrabaho ang hunk actor na si Derek Ramsay na kaibigan niya noon pa.
Ang aktor daw ang naging “shoulder to cry on” niya noong marami siyang problemang pinagdaraanan.
Hindi lang agad nagkaroon ng chance na magkasama sa isang pelikula sina Kris at Derek dahil super busy pa si Kristeta sa kanyang TV shows at mga endorsements noon.
Hanggang sa dumating nga ang offer ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso na magtambal sila ni Derek sa MMFF 2019 entry na K(Ampon).
Ang siste, bagama’t pumayag na si Kris kahit pa nga nu’ng una ay nag-aalala siya dahil sa kanyang sakit, ngayon ay balitang umatras na si Derek sa project dahil busy ito sa taping ng kanyang daily serye na The Better Woman, plus naglalaro pa ng basketball.
For sure ay todo-hinayang na naman ngayon si Kris dahil ang akala niyang pagtatambal na nila finally ni Derek ay nauwi pa sa wala.
Ang inaabangan ngayon ay kung sino ang aktor na ipapalit kay Derek.





Comments