top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Lilipad pa-Tate, Robin… MARIEL, OUT SA IT'S SHOWTIME

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 7, 2019
  • 2 min read

SA kanyang guesting sa Magandang Buhay, ibinahagi ng It’s Showtime host na si Mariel Rodriguez ang nalalapit nitong plano kaugnay ng kanyang panganganak sa second baby nila ng asawang si Robin Padilla.

Bilang bahagi ng kanyang prepa­rasyon sa panganganak, aminado siyang nalu­lungkot na kailangan muna niyang mag-leave sa Kapamilya noontime show.

Paliwanag ng It’s Showtime host, kailangan niyang maglaan ng oras sa kanyang asawa at panganay nilang anak na si Maria Isabella bago siya magsilang ng second baby nila sa America.

Magli-leave ako. Kasi I want to spend time with Robin also, kami ni Isa­bel­la. Magli-leave muna ako sa work. Thank you so much sa ABS-CBN, sa Showtime family kasi naiintindihan nila na kailangan ko,” ani Mariel.

Siyempre, I need to spend time with Robin also before Isabella and fly to States to get ready when I give birth,” ani Mariel.

Matatandaan din na sa America nanganak si Mariel sa panganay nilang si Maria Isabella noong Nobyembre, 2016.

Nakatakdang magdi­wang ng kanilang ika-siyam na anibersaryo sina Mariel at Robin ngayong Agosto 19 at sa bihirang pagkaka­taon, muling nagpalitan ng kanilang pangako ang ce­leb­rity couple.

Ayon kay Robin, hindi nagbago ang pagmamahal niya para sa asawa.

Wala namang nababago sa ipinangako ko sa iyo noong tayo ay sumumpa at ikinasal sa India. Lahat ng sinabi ko noon, ikaw ang nananatiling lakas ko. Alam ko sa mga panahon ngayon, lagi akong nasa alanganin. Mahal na mahal kita tandaan mo ‘yan, iniibig kitang tunay,” pahayag ni Robin kay Mariel.

Tila pag-ulit sa kanilang wedding vows naman ang mga salitang binitawan ni Mariel para kay Robin.

Whatever happens, I will remain faithful. I will remain loyal. I will remain hopefully your sunshine, to make you happy always, to take care of our children and to raise them how I know you want me to be, that’s my promise to you. To love you and honor you always, parang wedding vows. I love you,” sukli pa ni Mariel sa asawa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page